Default Thumbnail

Denmark sinumpong ng karamdaman, tigok

May 15, 2023 Jonjon Reyes 350 views

ISANG dayuhan ang namatay makaraang isugod sa Manila Doctor’s Hospital matapos umanong dumaing sa kanyang karamdaman habang naka-check-in sa isang motel sa Pedro Gil Street, Ermita, Maynila Lunes ng madaling araw.

Batay sa ulat ni P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 5:00 ng madaling araw (Mayo 15), nang humingi ng tulong ang kinakasama ng biktima na isang Pinay sa mga staff ng motel kaya mabilis na isinugod ang biktima na isang Denmark national.

Ayon pa kay Turla, dakong 6:12 ng umaga nang idineklarang patay ang biktima sa nasabing pagamutan ni Dr. Franklin Yap, attending physician.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa estado ng kalusugan ng biktima bago ang insidente.

AUTHOR PROFILE