Denjen

Denjen, isang oras late sa civil wedding

November 21, 2021 Ian F. Fariñas 335 views

HANDS-ON bride pala si Jennylyn Mercado sa katatapos nilang civil wedding ni Dennis Trillo sa TGIS Studio ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Sa YouTube vlog na The Promise ng mga bagong kasal ikinuwento ni Jen na maraming “ganap” sa naging kasalan. Nandiyang sumakit ang ulo niya maghapon sa dami ng inasikaso bago ang okasyon tapos umulan pa nu’ng mismong araw ng kasal.

’Kaaliw ang tsika nina Jen at Den na isang oras silang late sa kanilang kasal dahil sa ulan kaya hiyang-hiya sila sa judge at mga bisitang sila na lang ang hinihintay.

Ang the height ng aberya sa kasalan ay nu’ng mamali ng dampot ng kahon si Dennis dahil sa kalituhan pag-alis ng bahay kaya naiwan pala ang mismong wedding rings nila.

Simulang kwento ni Jen, “Nu’ng hiningi ni Justice ‘nasa’n ’yung ring?’ para mai-ready na bago mag-start ’yung ceremony, tapos sabi ko, ‘asan yung ring?’ tapos binigay nila yung box nu’ng engagement ring, sabi ko, hindi yan. tapos nakita ko yung mukha ni Dennis parang ‘oh, my God!,’ sabi ko, ‘talaga naman!’”

“Kaya nalito ako kasi ’yung isang box du’n, walang laman. So kakamadali namin, ang nakuha ko, ’yung walang laman. So pagdating sa venue, siyempre, aligaga nga, ang dami ko ring iniisip nu’ng araw na ’yon, iba pala ’yung nadampot kong box. ’Yung nadampot kong box ’yung walang laman,” depensa naman ng aktor habang tawa lang nang tawa si Jen sa tabi niya.

AUTHOR PROFILE