Bert

Beteranong direktor ng ‘Bulaga’ at ‘Bubble Gang,’ pumanaw na

November 21, 2021 Ian F. Fariñas 347 views

NAGLUKSA ang malalapit na kaibigan at mga dating katrabaho ng beteranong director na si Bert de Leon na yumao kahapon.

Ilan sa mga nag-post ng pakikiramay sa pamilya ay sina Direk Joey Reyes, Ali Sotto, Ciara Sotto, senatoriable Herbert Bautista at iba pa.

Si Direk Bert ang direktor ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto at ang prequel series nitong Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Matagal din niyang pinamahalaan ang pagdidirek ng longest-running noontime show na Eat Bulaga at gag show na Bubble Gang sa GMA Network.

Ang pamangkin niyang si Jonna ang nagkumpirma ng pagyao ni Direk Bert sa Facebook pero wala siyang binanggit na rason ng pagkamatay nito.

Matatandaan na nag-organize pa si Michael V. ng isang fundraiser para sa yumaong direktor nang ito ay magpositibo sa Covid-19 nito lamang September.

Bago iyon, sumailalim din si Direk Bert sa angioplasty nang ma-heart attack nu’ng Hulyo.

Ang amin pong pakikiramay. Rest in peace, Direk Bert.

AUTHOR PROFILE