Angel

Angel, nilaglag ni Kris sa isyung Bistek

November 21, 2021 Vinia Vivar 335 views

Si Angel Locsin pala ang source o nagpadala ng controversial tweet ni Senatoriable Herbert Bautista na ikina-react ni Kris Aquino at ng fiancé nitong si Mel Sarmiento.

Ang nasabing controversial tweet ng dating alkalde ng Quezon City ay burado na ngayon.

Siyempre, marami na ang nakakita nito.

Sa nasabing tweet ay sinasabi umano ni Bistek na gusto niyang mag-propose pero may napili na ang ’di pinangalanang girl.

Naglagay pa siya ng hashtag na #TOTGA na kahit nga wala siyang pangalang tinutukoy ay hinihinalang si Kris ito.

Dahil dito ay nag-react ang fiancé ni Kris at kinastigo si Bistek sa ginawa by releasing an official statement.

“Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike,” ang bahagi ng statement ni Sarmiento na lumabas sa isang broadsheet.

Naglintanya rin si Kris sa kanyang Instagram at sinabihan si Bistek na huwag nang gamitin ang kanilang past para maka-attract ng atensyon.

“Trust in yourself, that your track record is more than enough to get you elected and have enough faith in the wisdom of the Filipino voters,” mensahe pa ni Kris kay Bistek.

Sa comment section ay nag-react ng heart emoji si Angel at sumagot naman si Kris revealing na ang aktres ang nagpadala ng tweet ni Bistek sa kanya.

“@therealangellocsin pwede ko bang i reveal na ikaw yung nagpadala ng tweet sa ‘kin? And sinabi ko ang weird mo kasi nung nabasa ko ng 5 AM (because nag bathroom ako) at nag reply sa yo tapos sumagot ka dahil gising ka pa, sinagot mo ko na Ate, walang tatalo naman sa pagka weird nya, kaya matulog na tayo,” saad ni Kris.

May isang netizen na nagkomento ng, “Did you just put @therealangellocsin on the spot by asking the question, pwede bang i reveal na ikaw yung nagpadala ng tweet sa akin in a public post?

Should you have privately messaged her first to ask? What if angel wants that conversation just between her and you?”

Sinagot naman ito ni Kris ng, “sweetheart, we’re still humans na pwedeng magbiruan, we’re that close na pwede na kaming magbiruan and for and for sure walang mapipikon.”

Sumagot na rin si Angel at nilinaw na walang problema sa kanya ang ginawa ni Kris.

“Walang namang problema at ate ko yan,” ani Angel.

AUTHOR PROFILE