Delivery rider na problemado sa pamilya, nagbigti

April 25, 2022 Jonjon Reyes 61 views

PROBLEMA umano sa pamilya ang nag-udyok para kitilin ang sariling buhay ng isang 27-anyos na delivery rider, makaraang matagpuan ito sa loob ng kanilang kuwarto sa San Andres Bukid, Maynila nitong nakaraang Linggo ng hapon.

Ang biktima ay may ka-live-in at residente ng Raduim St. Bgy. 775, San Andres Bukid.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Rodolfo Acosta kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang alas-4:00 ng hapon, nang madiskubre ang biktima na may nakapulupot na bedsheet sa leeg at nakatali sa kisame.

Bago natagpuang walang buhay ang delivery rider, nakipag-inuman muna ito at nang malasing ay tuloy-tuloy lamang umano ito sa kuwarto.

Sa pagsisiyasat ni Det. Acosta, napag-alaman na nagtangka na rin itong magpakamatay may tatlong buwan na ang nakakaraan na may diumanong problema sa pamilya.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang tunay na motibo sa ginawang pagpapakamatay ng biktima at kung may “foul play” sa insidente habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya nito sa pinagdalhang morgue.

AUTHOR PROFILE