Default Thumbnail

Dayuhan patay sa SUV sa Bulacan

March 22, 2024 Bernard Galang 101 views

PATAY ang isang Chinese national noong Biyernes ng mabundol ng rumaragasang sports utility vehicle (SUV) sa Pulilan-Baliwag bypass road sa Brgy. Pinagbarilan, Baliwag City, Bulacan.

Kinilala ng Bulacan police ang dayuhan na si Zhen Hua Lin, naninirahan sa Dampol 2nd B, Pulilan, Bulacan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagmamaneho ang suspek na si Janenalyn Macinnes, 32, ng Bgy. Pagala, Baliwag City, ng SUV sa Pulilan-Baliwag bypass road nang aksidenteng mabangga ang biktima.

Nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan ang biktima at dinala ng Baliwag Rescue Team sa Baliwag District Hospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

AUTHOR PROFILE