Liza Caption: Ang Lab for All Caravan ni First Lady Liza Marcos sa Ilagan, Isabela. Source: FL Marcos FB

6K Isabela folk nakinabang sa ‘Lab For All Caravan’ ni FL Marcos

March 22, 2024 Chona Yu 478 views

Liza1Liza2HALOS 6,000 pasyente sa Ilagan, Isabela ang nakinabang sa Lab for All: Laboratoryo, Konsukta at Gamot para sa Lahat program ni First Lady Liza Marcos kamakailan.

Personal na nagtungo ang Unang Ginang sa Ilagan para ipaabot ang libreng konsulta at gamot na ibinibigay ng caravan.

Ayon kay First Lady Liza, pagtupad ito sa pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng maayos na serbisyo publiko ang taong bayan.

Nasa 1,500 na rehistradong pasyente naman ang binigyan ng grocery at packed meals.

Bukod sa.medical services, may libreng legal assistance at scholarship programs na ibinigay sa mga estudyante.

Pangako ng Unang Ginang na dadalhin ang caravan sa mga kasuluk-sulukang lugar sa bansa para mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang taong bayan.

AUTHOR PROFILE