Default Thumbnail

Mag-jowa bagsak sa droga

March 22, 2024 Gil Aman 111 views

BAGSAK sa kamay ng mga pulis ang mag-jowa na suspek sa illegal na droga ng mahulihan ng mahigit P300,000 halaga ng shabu sa anti-iligal drug operation noong Huwebes sa Brgy. San Vicente, San Pablo City, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt.Col. Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo City police kay Laguna OIC Provincial Director PCol. Gauvin Mel Unos, kinilala ang mga suspek na sina Alias Mark at Aira.

Kabilang umano sa mga nago-operate sa nasabing barangay at karatig na lugar Ang dalawa.

Dakong alas-5:37 ng umaga naaresto ang dalawa.

Nabawi sa dalawang suspek ang 52 gramo ng shabu na may standard price na P358,800, isang caliber .22 pistol, isang magazine at 11 bala.

AUTHOR PROFILE