Default Thumbnail

Dayo naghamon ng away sa Sampaloc, tiklo

February 1, 2023 Jonjon Reyes 290 views

NATIYEMPUHAN habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station (PS) 4 ang isang dayo umano lamang sa lugar, na kung saan armado ito ng patalim at nagsisisigaw sa gitna na kalye sa Nicanor Reyes Street malapit sa P. Paredes sakop ng Barangay 386, Sampaloc, Maynila, Martes ng madaling araw.

Bukod sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon), nahaharap din sa kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code (Alarm and Scandal) sa suspek na nakilala sa alyas “Prince,” 34, may asawa, miyembro umano ng Bahala Na Gang (BNG) at residente ng Bgy. 38, Tondo.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Wilson Villaruel, station commander ng MPD Sampaloc PS 4, namataan ng kanyang mga tauhan ang suspek na nagsisisigaw sa gitna ng kalye na armado ng patalim, pasado alas 3:05 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PMSgt. Gilmen Se, may hawak ng kaso, habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” sina PMSgt. Roldan Flores, P/Cpl. Jeffrey Lingat, P/Cpl Nasrudin Mandal, at si P/Cpl. Mark Henry Babida, ng Intel/Follow-up Section nang maispatan ang nagwawalang suspek.

Kusa namang sumuko ito at hindi na lumbaban matapos arestuhin.

Isinailalim muna sa medical checkup sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang suspek bago ito iturnover sa presinto.

AUTHOR PROFILE