David

David, bet magpamilya sa edad na 32

February 23, 2023 Ian F. Fariñas 312 views

WALANG kaduda-duda na isa ang Kapuso actor na si David Licauco sa pinaka-busy at pinakasikat ngayon dahil sa FiLay tandem nila ni Barbie Forteza sa top-rating serye na Maria Clara at Ibarra.

Pero gaano man siya ka-hot at ka-in demand ngayon bilang leading man at endorser, alam n’yo ba na plano pala ni David na magkaroon na ng sariling pamilya five years from now?

Twenty-seven years old siya ngayon at by 32 years old, nakikinita na ng aktor na kasal na siya’t may mga anak.

Sa launch niya bilang isa sa mga bagong endorser ng BlueWater Day Spa, sinabi ni David na sa ngayon, puro pag-i-improve sa sarili at trabaho ang inaatupag niya para paghandaan nga ang buhay-may pamilya.

“I’m really working on myself, for my future, I’m working hard everyday,” sambit niya sa nagsilbing event host na si Tessie Prieto.

Dati raw kasi, pre-pandemic, happy-go-lucky lang siya. Pero dahil sa pandemya, natuto siyang mag-reflect at mag-meditate.

“I’ve learned so much. It gave me the time to be creative,” diin niya.

At dahil nasa huling linggo na ang Maria Clara at Ibarra, determinado ang binata na mas pagbutihin pa ang pag-aaral ng acting para naman daw hindi siya tawaging “one-hit wonder.”

Ipinauubaya na raw ni David sa manager niyang si Arnold Vegafria at home studio niyang GMA-7 ang susunod niyang proyekto.

Sa pagkakaalam niya, may serye silang pagsasamahan muli ni Barbie at may isa rin silang pelikula na nasa drawing board.

“I would like to have a two-week break from doing a teleserye, pero ‘pag nand’yan na ang opportunity, who am I to say no?” turan niya.

Samantala, huling linggo na nga ng Maria Clara at Ibarra kaya pakatutukan ang mga tumitinding eksena hanggang bukas, Biyernes, 8 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

AUTHOR PROFILE