Darryl

‘Open-minded’ Kakampink, gaganap na Leni sa ‘MaM’

February 23, 2023 Jun Nardo 543 views

MAY panibagong pasabog ang Martyr or Murderer director na si Darryl Yap na ipinost sa kanyang Facebook page kahapon at ito ay ang pagpayag diumano ng isang “open-minded” Kakampink na gumanap sa papel ni Leni Robredo sa ikatlong installment ng Marcos triloy na Mabuhay Aloha Mabuhay (MaM).

Walang clue na ibinigay ang direktor kaya naman kanya-kanyang hula ang netizens at nagbanggit pa ng mga pangalan nina Melai Cantiveros, Rufa Mae Quinto, Pokwang at maging ni Cherry Pie Picache.

Bago ito, sa grand mediacon ng MoM ay bumubula ang bibig ni Direk Darryl laban kay Direk Joel Lamangan at iba pang kasama niya sa movie na katapat ng Martyr or Murderer sa March 1.

Nagpakawala si Direk Darryl ng maaanghang at mababagsik na pahayag laban kay Direk Joel.

Bilang respeto kay Senator Imee Marcos at sa cast ng Martyr or Murderer na dumalo sa grand mediacon, hinintay muna niyang makababa ang lahat sa stage bago naglitanya ng pasabog na statements.

Itinanggi niya ang akusasyon na sila ang tumapat sa pelikula ni Lamangan. Bilang patunay, inilabas niya ang video ng statement ni Joel na after ng Maid in Malacañang ni Yap, tatapatan nila ang movie nito na sequel ng MiM at ito nga ang MoM.

“So, actually, it’s not up who made tapat!

“You know, Boss Vic and the Marcoses, they are not just bosses to me. They are family. They are saying nasty things about these people, I have to correct it. I have the responsibility kasi ang mga artista ko naman, hindi masakit magsalita.

“So I guess ‘yung masasakit na salita na pinakawalan nila laban sa boss ko at producer, hindi dapat palagpasin.

“Ayoko kasi na sa online ako magpo-post at masasaktan ang mga taong hindi dapat masaktan. Harapin na natin ang issue para hindi makaabala sa promo namin,” sabi ni Yap.

“Direk Joel, huwag po nating lolokohin ang mga tao. Ang tanda-tanda mo na, sinungaling ka pa! Ang hindi ko pagsasalita laban sa ‘yo ay kabaitan. Hindi ‘yon karuwagan.

“Huwag mong sabihin na takot ang producers na pondohan ka kasi anti-Marcos ka. Kaya natatakot ang producers, baka mag-flop ka. Tigilan na natin ang panloloko at pantatanga sa mga Pilipino.

Kung wala itong recording na ito, magmumukha na naman akong sinungaling at tumatapat sa inyo.

“Wala akong award kahit isa. Wala akong panama sa laki ng pangalan ninyo. Direk Joel and Miss Cherry Pie, I look up to you,” dire-diretsong pasabog ni Yap.

Sa bandang huli, sinabi ng MoM director na, “Direk Joel and Cherry Pie, ‘yung natitira ninyong aarw sa mundong ito, huwag ninyong gamitin sa pagsisinungaling. Stop this jurassic forms of promotion.

“That’s the only and last statement I’ll deliver. I’m not gonna repeat it.

“Huwag masyadong makapal ang mukha ninyo. For once, hindi kami ang tumatapat. Secondly, hindi kami natatakot sa inyo. Huwag kayong sinungaling. Kung nagsisinungaling kayo sa paggawa ninyo ng pelikula, paano maniniwala ang tao sa inyo na totoo ang nangyari sa inyo nung Martial Law? Now. I’m doubting, Direk.”

Waiting ang pahinang ito sa buwelta ni Direk Joel.

Anyway, please watch, follow, comment and subscribe sa aming Maritess University podcast at sa aming YouTube channel, Facebook page, Twitter at Instagram.

AUTHOR PROFILE