Direkjoel

Direk Joel, tutol sa pakikialam ng MTRCB sa streaming platforms

February 23, 2023 Ian F. Fariñas 234 views

KONTRA si Direk Joel Lamangan sa pakikialam ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa streaming platforms.

Ito ang ibinahagi ng batikang direktor sa kanyang Facebook account kahapon bilang pagtutol sa napabalitang pagpapatawag ng Kongreso sa Viva Films executives kaugnay ng isyu.

Ani Direk Joel, “Napag alaman ko na pinatatawag ng kongreso ang Viva films upang pag-usapan ang isyu ng pagpasok ng MTRCB sa mga streaming outlets. Sa ganang akin ito ay hindi dapat, dapat hayaan ang mga streaming outlets sa pagpapalabas nila, magkaroon lamang ng self regulation at hayaan ang mga ito ang magpatupad ng sinasabing regulation. Ito ay isang mahusay na paraan upang maisaayos ang hinahangad ng maraming manlilikha na hindi pakialaman ng ano mang institusyon ang mga lilikhaing Obra. Magiging hindi maganda kung pati Netflix, Prime video atbp streaming org ay pasasailalim sa MTRCB. Magiging katawatawa tayo sa mata ng ibang bansa. Isang malinaw na pagyurak sa kalayaang Magpahayag ang hakbang na ito. Wala sa mandate ng MTRCB ang pakikialam sa mga streaming organisations!!”

AUTHOR PROFILE