Shawie

Sharon, pumalag sa pekeng endorsement

February 23, 2023 Vinia Vivar 228 views

Nagbigay ng babala si Sharon Cuneta tungkol sa isang slimming product na ginagamit ang pangalan niya para palakasin ang kanilang produkto.

Sa kanyang Instagram ay ipinost ng Megastar ang screenshot ng isang Facebook post using her name and photo na ini-endorse ang slimming product.

Pinag-iingat ni Sharon ang lahat na huwag maniwala sa fake news na ito.

“Ingat po kayo! Ginagamit po kaming mga artista ng di namin alam kahit ang produktong ito di naman namin kilala! FAKE PO ITO. Please share and try to inform as many people as you can. Pati si @draivee ginamit din nila nag-edit pa ng mga video namin FAKE PO LAHAT YON LALO SA FACEBOOK! Thank you po!” caption ni Sharon.

Isa pang nilinaw ni Sharon ay ang pagkakadamay ng kanyang dermatologist na si Dra. Aivee-Teo at pinalabas na iniendorso rin nito ang produkto.

“Please beware of these fake advertisements using @draivee ‘s identity, photos and videos to advertise their products using her name and social media accounts. @draivee is in no way associated with them or these products and I hope you can help by reporting this to Facebook so that they can be taken down with immediate effect. Thank you,” ang babala ni Sharon.

‘AWAKENING’

Nakarating kay Councilor Alfred Vargas ang video ng isang gay TikToker na nagangangalang McCartney kung saan ay ini-reveal niyang ang aktor ang nagsilbing ‘awakening’ sa kanyang pagiging beki.

Pahayag ni McCarney sa kanyang TikTok video, “Nu’ng bata ako, alam ko nang hindi ako straight. Kasi ‘yung awakening ko, artista. And alam ninyo kung sino? Si Alfred Vargas.”

Pagpapatuloy pa niya, “Si Alfred Vargas na nakita ko ‘yung billboard niya along Guadalupe. Alfred Vargas in underwear. Nu’ng dumaan kami du’n, parang, ‘oh. Oh, shet. I’m feeling things. Wow!’

“And sobrang funny kasi from then on, tumatak na siya sa isip ko, like nai-imagine ko pa, I think white pa ‘ata ‘yung underwear niya nu’n. Basta delicioso. Yum yum yum.”

Marami ang nag-forward ng nasabing video kay Konsi Alfred at ang una niyang reaksyon ay nagulat siya.

“Siyempre nagulat ako bigla na lang may mga na-forward sa ’kin ng link ng TikTok na ito,” sey ni Konsi.

“Pinanood ko ‘yung buong video at napangiti ako. Natuwa ako kasi meron pala akong ganu’ng positive effect sa kanya. Happy ako kasi naging bahagi pala ako sa ‘awakening’ journey ng isang tao,” patuloy niya.

“Seriously, I’m happy for mccartney. I hope maging inspiration din siya sa iba na still finding courage and support sa identity nila.”

AUTHOR PROFILE