Phivolcs

Davao Occidental niyugyog ng 6.1 magnitude na lindol

December 5, 2021 Jun I. Legaspi 79 views

YINUGYOG nang magnitude 6.1 na lindol ang shores ng Davao Occidental Sunday, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa opisyal na pahayag ng agency, hindi tumama sa kalupaan ang nasabing malakas na lindol na naganap 7:48 a.m.

Sa monitoring ng Phivolcs, tumama ang malakas na pagyugyug southeast ng Saranggani Island sa munisipyo ng Saranggani Davao Occidental.

Umabot sa 156 kilometers ang lalim nito sa lupa at tectonic ang origin na lindol, ayon pa sa agency. Ayon pa sa Phivolcs, bagamat hindi tumama sa kalupaan, naramdaman pa rin ang Intensity II sa Cateel, Davao Oriental.

Wala namang expected damages ang agency sa kalupaan, wala ring naiulat ang Phivolcs natsunami. Mariin namang nagbabala ang mga awtoridad sa mga mamayan sa lugar na mag-ingat at agad lumikas kung kinakailangan.

AUTHOR PROFILE