Daniel

Daniel, walang V-Day date

February 13, 2024 Vinia Vivar 123 views

Time out muna sa pag-ibig si Daniel Padilla matapos ang long-term relationship nila ni Kathryn Bernardo.

Sa interview ni MJ Felife kay DJ, natanong ang aktor kung naghahanap ba siya ng bagong pag-ibig at sey niya, “No, definitely not. Love for human nature ‘yun ang hinahanap ko.”

Aniya ay trabaho at ang kanyang sarili muna ang mamahalin niya.

“Trabaho muna ‘ko, wala muna akong love, love. I want to work on myself. I need to love myself first.”

Sinabi rin ng aktor ang malaking tulong na nagawa ng kanyang pamilya during his dark days.

“Ngayon ko mas na-appreciate at nakita na in deeper level ‘yung bond ko sa mga utol ko ngayon. Kaya minsan doon mo lang masasabi na legit pala ‘yon na sa panahon ng madidilim, pamilya mo rin ang liwanag. Sila lang talaga. Super na-appreciate ko sila talaga,” aniya.

Sobrang na-appreciate rin umano niya ang fans na nagpapahatid ng mensahe sa kanya, positive man o negative.

“That’s life. That’s balance. Hindi pwedeng lahat galit, hindi pwedeng lahat masaya. It’s a perfect balance. Ganu’n lang ‘yan,” he said.

“Kahit doon sa mga nag-move-on na sa akin, it’s okay. Valid ‘yung nararamdaman nila sa akin.

“’Yung nararamdaman nila, eh, nararamdaman nila ‘yon at hindi ko na sila mapipigilan. At sa mga nandoon pa rin sa akin, I appreciate them very, very much. They know me. I don’t have to explain myself to them kilala nila ako,” dagdag pa ng ex-boyfriend ni Kathryn.

Ngayon din umano niya na-realize kung sino ang mga tunay niyang kaibigan.

“Ang dami lang ding nagpakilala. That’s beautiful. At least, ‘di ba? Talagang ano ‘to, eye-opening moment. Doon mo lang makikita,” sey niya.

Nabanggit din ng aktor na marami siyang personal goals tulad ng pagta-travel at gusto niyang bumalik sa Vietnam.

Asked kung paano niya ise-celebrate ang Valentine’s Day, aniya ay hindi pa niya alam.

“Iniisip ko nga, eh, ‘yung mga kapatid ko nga. Nakalimutan ko, parang may mga date na rin sila,” sey niya.

Biro ni MJ, “So, ikaw na ngayon ang nasa bahay?”

Sagot ng aktor, “Oo nga, eh. Baligtad na.”

AUTHOR PROFILE