Beadom

Dominic mahal pa rin si Bea… aktor nagkukulong sa condo

February 13, 2024 Vinia Vivar 145 views

Matapos kumpirmahin ang kanilang breakup ni Bea Alonzo last Sunday, the following day ay nag-post si Dominic Roque ng paglalaro niya ng tennis with his friends.

Makikita sa Instagram story ni Dom ang ilang mga larawan kasama ang mga kaibigan habang naglalaro ng tennis.

Obviously, tina-try maglibang ni Dominic sa hiwalayan nila ni Bea o pwedeng ito na rin ang simula ng kanyang moving on process.

Nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na laging nakakulong lately ang ex-fiance ni Bea sa condo nito at dinadalaw na lang ng pamilya at mga kaibigan.

Ang ibang friends niya ay niyayaya siyang lumabas at paminsan-minsan ay pinagbibigyan naman nito.

Ayon pa kay Ogie, mahal pa rin ni Dominic si Bea at naniniwala kami dahil hindi naman basta-basta mawawala ‘yun.

Matatandaan na last Sunday ay naglabas ng joint statement sina Bea at Dom na kinukumpirma ang kanilang breakup.

Samantala, si Bea naman ay wala pang bagong post after releasing their statement pero ang balita ay nasa Singapore ito ngayon kasama ang kanyang pamilya.

AUTHOR PROFILE