Enrique

Enrique sa mapang-intrigang tanong ni Regine: I’m happy, I’m at peace

February 13, 2024 Vinia Vivar 105 views

Sa guesting ni Enrique Gil sa “Magandang Buhay” ay tinanong siya ni Regine Velasquez: “Are you ready for love? Are we looking for love?”

Marahil, ang alam din ni Regine ay break na sina Quen at Liza Soberano kaya ganito ang kanyang tanong sa aktor.

Sinagot naman ito ni Quen ng, “Not really looking, but, you know, yeah, I’m happy, I’m at peace.”

Pareho umano silang naka-focus ngayon ni Liza sa kani-kanilang mga sarili muna.

“Me, I’m focusing on this. Liza’s also focusing on her own production company, on her own projects. So, I’m just really happy that we’re both focused on ourselves first. Because we were so caught up on the two of us so much,” he said.

Ang bagay na ito ay napag-usapan umano nila ni Liza.

“So parang we talked lang na I think, you know, it’s really good for us to go on our own path in our career, just you know, to be able to grow. And yeah, it’s really exciting for me right now, what we’re going to be doing and giving to the industry,” pahayag ni Quen.

Bagama’t matagal nang napapabalitang break na ang LizQuen, hanggang ngayon ay wala pang pag-amin o pagkumpirma ang dalawa tungkol dito at ang lagi ngang sinasabi ni Enrique ay “we’re good, we’re happy, we’re okay.”

AUTHOR PROFILE