Sharon

Sharon may ‘love affair’ sa kama

February 13, 2024 Vinia Vivar 130 views

Para sa nag-aalalang fans, nagbigay ng update si Sharon Cuneta sa kanyang health condition at mga bagay na pinagkakaabalahan lately.

Sa Instagram, ikinuwento ng Megastar na nakakadalawang session na siya ng kanyang therapy.

Matatandan na sa isang post ni Shawie ay sinabi niyang may pinched nerve siya at hindi makalakad nang maayos kaya kailangan niya ng therapist.

“Just thought you might want me to update you. I’ve done two sessions with my Physical Therapist, plus Acupuncture & Cupping (Ventosa yata ang tawag doon?),” simula ni Mega.

Sey pa niya, “di nga ako nakapunta sa concert ni Pops when nandito na sa condo namin habang nagpi-PT ako si Peachy to do my make-up. Siya at grupo namin nakanood. Nagpakwento na lang ako sa kanila after at hinayang na hinayang ako.”

Paika-ika pa rin umano siya hanggang ngayon at in pain pa rin siya araw-araw.

“I still haven’t stopped limping. Ayoko naman po magpakita sa lahat ng umiika-ika pa rin, pwera nung nagbigay respeto po ako kay Deo Edrinal sa kanyang burol.

“The only time aside from that na umalis ako sa bahay ay nung Sunday when I was with my Sotto family from morning til way after dinner kasi sobra ko na sila namiss.

“But every single day for longer than a whole month now, I have been in pain,” kwento ni Sharon.

Pero in-assure naman niya ang kanyang fans na walang dapat ipag-alala ang mga ito sa kanya.

“Baka po mag-alala kayo, please don’t worry! Basta tuloy lang ang PT lilipas din ito. Chaka introvert ako kaya masaya na akong may love affair ako with a bed, hot water bags at laptop ko (di mabubuhay ng walang WI-FI! At kundi kailangan ayoko talaga sa phone ko!), sey ni Shawie.

“Buti na rin nakakapahpahinga ulit. I hope you’re all okay and I miss you. It feels so good though to have a Social Media Detox. Am glad I grew up nung wala pang ganyan!” aniya.

Sa huli ay humihingi pa rin ng dasal si Mega mula sa kanyang fans, followers at netizens.

“Please take good care and if you can, please include me in your prayers. Have a great evening,” pagtatapos ni Mega.

AUTHOR PROFILE