Default Thumbnail

Dalaw sa selda tiklo sa shabu ‘food pack’

February 10, 2023 Edd Reyes 143 views

KALABOSO ang isang mangingisda nang tangkain magpuslit ng shabu na nakalagay sa pagkain sa loob ng detention cell ng Navotas City Police Huwebes ng hapon.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col. Dexter Ollaging ang 20-anyos na suspek, ng Barangay Tangos South ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA (Republic Act) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ulat ni Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/Brigadier Gen. Rogelio Penones, dakong alas-5:30 ng hapon nang isailaim sa pagsusuri ni Jail Officer P/Cpl. Jay-Ar Atanglan ang bitbit na pagkain ng suspek.

Dito, nadiskubre ni Atanglan ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng 5.5 gramo ng shabu na may halagang P37,400 na itinago sa dalang pagkain na dahilan upang arestuhin niya ang suspek.

Nagbanta si Ollaging sa sinumang magtatangkang magpasok ng anumang uri ng kontrabando sa loob ng detention facility na huwag na itong gawin dahil tiyak na makakasuhan din sila.

AUTHOR PROFILE