MPD

Dalagita, 15, nasagip sa tangkang ‘rape’ sa motel

February 15, 2023 Jonjon Reyes 478 views
MPD1
Nailigtas ang isang 15-anyos na dalagita matapos masagip ng mga operatiba ng DSOU-MPD na pinamumunuan ni P/Maj. Rommel Purisima. Kuha ni Jon-jon Reyes

BAGO pa man natapos ang Valentine’s Day ay naaresto ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District (DSOU-MPD) ang isang 52-anyos na negosyante, makaraang pagsamantalahan umano nito ang isang 15-anyos na kapatid ng dati nitong kasintahan diumano sa isang motel sa Sta. Mesa, Maynila nitong Martes ng gabi, Pebrero 14, 2023.

Sinalakay ng mga awtoridad ang motel sa nasabing lugar at naaktuhan pa nilang walang saplot ang suspek, ng Bacoor City, Cavite kasama ang biktima na nakatapis na lang umano ng kumot.

Base sa ulat, humingi ng saklolo ang ama ng dalagita para mailigtas ang kanyang menor de edad na babaeng anak.

Agad naman tumugon si P/Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, sa paghingi ng tulong ng ama ng biktima at pinuntahan ang motel sa Sta. Mesa.

Naging maagap ang pagresponde ng mga operatiba ng DSOU at inaresto agad ang suspek.

Dinala naman sa pagamutan ang biktima sa pagamutan para sa physical examination upang matukoy kung ito ay tuluyang naabuso ng suspek.

Mula sa DSOU, tinurnover ang suspek sa Women and Children Counsel Section para masampahan ng kaso.

Nagpaabot naman ng pagbati si “The Game Changer General” MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon sa DSOU at Purisima sa matagumpay na rescue operation.

AUTHOR PROFILE