Default Thumbnail

Dalaga kalaboso sa ‘frustrated homicide’

June 8, 2023 Jonjon Reyes 262 views

KULUNGAN ang kinahantungan ang isang 23-anyos na dalaga dahil sa kasong “frustrated homicide” makaraang isilbi ang arrest warrant nito sa loob ng kanyang bahay sa Oroquieta Street, Sta. Cruz, Maynila, Huwebes ng hapon, Hunyo 8, 2023.

Ang suspek na itinago sa alyas na “Ann,” ay pawang residente sa nabanggit na lugar.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Police Station (PS) 3, bandang 1:35 ng hapon, nang isilbi ang arrest warrant sa dalaga ng isa sa mga tauhan ni Solas, sa pangunguna ni P/Maj. Alexander Barnes Tenorio, hepe ng Warrant and Intelligence Unit.

Ang naturang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Rosalyn Mislos-Loja ng Regional Trial Court Branch 41 ng Maynila na may petsang Hunyo 7, 2023.

Naglaan naman ang korte ng P72,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE