Juliacoco

Coco, bet magkaanak anytime

February 19, 2023 Vinia Vivar 297 views

Finally ay medyo nag-o-open-up na si Coco Martin tungkol sa estado ng lovelife niya.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila na inilabas sa vlog nito, natanong ang Kapamilya Primetime King tungkol sa kanyang long-time girlfriend.

Hindi man binanggit kung sino ito, alam naman nating lahat na si Julia Montes lang ang consistent at matagal nang nali-link sa aktor.

Tanong ni Karen kay Coco, “You have one long-time girlfriend” at natatawang sagot ng aktor, “Sakto lang.”

Tanong ulit ni Karen, “Pero iisa?”

Sagot naman ni Coco, “Opo.”

Tanong ulit ng broadcast-journalist, “Is it gonna lead to marriage?”

At ang sagot naman ni Coco, “Dapat po, dapat.”

Sumunod na itinanong sa aktor ay kung kailan ba niya gustong magkaanak dahil he’s 41 years old right now.

“Ako naman po, anytime,” he said.

Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Coco kung bakit gusto niyang maging pribado ang kanyang personal life.

“Kasi sabi ko nga, ang sa akin kasi, gusto kong panatilihing pribado ‘yung buhay ko. Kasi, mahirap po ‘pag in-all out mo, eh. Lahat pakikialaman.

“’Di ba, parang sa isang magkasintahan, ‘pag nagliligawan pa lang kayo, nakitang nagde-date kayo, gusto (ng) lahat, magkatuluyan. ‘Pag kayo na, ang dami nang opinyon, hanggang sa magkasira kayo. Bakit ko hahayaan?” paliwanag ng aktor.

Dagdag pa niya, “Ito nga lang sa ginagalawan ko, ang gulo-gulo na, papapasukin ko pa sila sa personal na buhay ko.”

Kahit nga raw sa bahay nila, hindi nila pinag-uusapan ang kanyang trabaho.

“Sa bahay po namin, ‘pag umuwi ka, ni isang beses, hindi ako tinatanong do’n about sa trabaho ko. Kasi, ayokong pinag-uusapan ‘yung showbiz. Halimbawa, kunyari, ‘maganda ba si ganyan?’ ‘Mabait ba si ganyan?’

“Kasi, parang maghapon na nga akong… Saka ni hindi nga namin pinag-uusapan ‘yung project na ginagawa ko,” aniya.

Well, hindi na nga siguro kailangan pang sabihin ni Coco nang diretso na girlfriend niya si Julia dahil indirectly ay umaamin na rin naman siya.

AUTHOR PROFILE