Claudine

Claudine, na-excite mag-attend ng red carpet premiere

December 26, 2022 Vinia Vivar 236 views

Kahit cameo lang si Claudine Barretto sa Metro Manila Film Festival 2022 official entry na Mamasapano: Now It Can Be Told ay lutang na lutang pa rin ang kanyang appearance bilang asawa ng isa sa mga nasawing SAF (Special Action Force) 44 soldiers.

Sey nga niya nang makausap ng entertainment press sa red carpet premiere ng pelikula kamakailan, hindi niya matanggihan ang kaibigang producer na si Atty. Ferdinand Topacio at ang isa sa mga bida ng movie na si Edu Manzano.

Natuwa rin ang aktres na makadalo ulit sa red carpet premiere dahil nga matagal-tagal ding nawala ang panonood sa mga sinehan because of the pandemic.

Samantala, inaasahang isa ang Mamasapano sa makakasungkit ng awards sa gaganaping MMFF awards night.

Malaki ang laban ni Paolo Gumabao na napakahusay bilang si Supt. Raymond Train, ang isa sa mga miyembro ng SAF na nakipaglaban sa mga rebeldeng terorista sa Maguindanao.

Bukod dito ay kapuri-puri rin ang madudugong action scenes sa movie. Kudos to Direk Lester Dimaranan sa napakahusay na pagkaka-execute ng malalaking eksena and to Borracho dahil kitang-kita na talagang ginastusan nila ang pelikula.

Taong 2015 pa naganap ang makasaysayang Mamasapano clash kung saan 44 na miyembro ang nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban nila mga rebelde.

Para sa amin, tama lang ang pagpapalabas nito ngayon sa panahong halos nakakalilimutan na ng tao ang nangyaring trahedya lalo pa nga’t ipinakita rin sa pelikula ang mga detalyeng hindi pa alam ng sambayanang Pilipino, kabilang na kung paano isa-isang pinatay ang mga sundalo na siyang pinaka-highlight ng pelikula.

Hinimay din dito kung paano, saan at bakit humantong ang pangyayari sa madugong bakbakan at sa pagkatalo ng ating mga sundalo.

Bukod sa mga bidang sina Paolo, Edu, na gumagamap bilang Gen. Benjamin Magalong, at Aljur Abrenica as Lt. Franco, nasa cast din sina Alan Paule, Rey “PJ” Abellana, Gerald Santos, Rez Cortez, Juan Rodrigo at Jervic Cajarop.

Aside from Claudine, may cameo rin sina Ritz Azul at Myrtle Sarrosa.

Mula sa panulat ni Eric Ramos, showing na Mamasapano sa mga sinehan sa Dec. 25.

AUTHOR PROFILE