Pogi

Sen. Bong, namigay ng kotse at P1 milyon

December 26, 2022 Ian F. Fariñas 200 views

MAHIGPIT na yakap ang isinukli ni Arlean Lourdes Sanqui Cuison ng Block 1, Lot 9 Villa Ceseni Subdivision, Camarin Road, Caloocan City nang personal niyang tanggapin ang kulay orange na brand new car mula kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr.

Si Cuison ang ikatlo na sa nabiyayaan ng bagong kotse ng aktor-politiko sa kanyang “Amazing Pamasko ni Pogi” na live na napanood sa kaniyang Facebook account at isa si Cuison sa mga pinalad na mabigyan ng sasakyan.

Bukod sa dalawang kotse na unang ipinamahagi ni Sen. Bong ay mayroon na namang karagdagang dalawa pa, limang motorsiklo at daan-daang libong cash ang naipamigay at may isa pang napakasuwerte mula sa Tabayon, Banga, Aklan ang nagwagi naman ng P1M (isang milyong piso).

Nakatakdang lumipad si Sen. Bong patungong Aklan para personal na iabot ang isang milyong piso ng masuwerteng nanalo.

AUTHOR PROFILE