Palitan

Cinema ’76, muling nagbukas

November 28, 2021 Ian F. Fariñas 108 views

MATAPOS ang mahigit isang taon ding pagsasara dahil sa lockdown na dulot ng Covid-19 pandemic, nakatutuwa na muli na ngang nagbukas ang Anonas branch ng microcinema na Cinema ’76 Film Society kamakailan via a private screening ng box-office hit Hollywood movie na Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings.

Super safe ang feeling ng mga dumalo dahil nga mahigpit na ipinatutupad doon ang health and safety protocols ng IATF.

Balita namin, pati ticket selling, ginawa nang contactless at kailangang magpa-reserve ng tiket ang sinumang gustong manood at least a day ahead.

Saka, mga fully vaccinated lamang ang pwedeng magpa-reserve ng seats.

Bukod sa temperature check, foot bath sa may entrance, social distancing at iba pang health and safety protocols, eh, regular din ang paglilinis at pagsa-sanitize na ginagawa ng Cinema ’76 staff before and after each screening.

Bawal man ang pagdadala ng pagkain at drinks sa loob ng sinehan, meron namang movie-themed al fresco cafe sa baba nito para sa mga nagugutom at gusto ng refreshments pagkatapos manood ng sine.

Samantala, may advance screening naman ang Eternals ng Marvel Studios bukas, November 30, na susundan ng regular showing sa December 1.

Nakatakda ring ipalabas sa Cinema ’76 ang entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Kwento nga ni Daphne Chiu, executive vice president at general manager ng Cinema ’76, “A lot of people have been requesting for us to reopen soon and we are delighted to finally welcome everyone back to Cinema ’76!”

Dagdag ni Daphne, bukas din ang microcinema para sa private screenings “especially for those who would feel most comfortable sharing the cinema with their loved ones.”

Matatagpuan ang Cinema ’76 sa third floor ng Anonas LRT City Center sa Aurora Boulevard.

AUTHOR PROFILE