Jane

Jane binisita sa ABS-CBN execs sa set ng Darna

November 29, 2021 Aster Amoyo 123 views

WALANG alinlangan na ang 23-year-old Kapamilya actress na si Jane de Leon ang aalagwa nang husto ang career sa taong 2022 when her first starring role, “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” starts airing early next year.

Mahaba-habang journey ang pinagdaanan bago napunta ang Pinoy classic super heroine role kay Jane which was first intended as a movie remake and originally offered kay Angel Locsin in 2014 ng Star Cinema. But in October 2015 ay nag-back out ang Kapamilya actress sa nasabing proyekto matapos siyang magkaroon ng disc bulge na nakuha niya sa kanyang training for the role.

Naghintay pa ang Star Cinema na muling gumaling si Angel bago sila naghanap na kanyang kapalit sa pamamagitan ni Liza Soberano na inanunsyo ng film outfit in 2017. Liza has already started her extensive training for the role nang magkaroon naman siya ng finger injury while doing “Bagani” TV series in 2018. In April 2019, umiiyak na ibinahagi ni Liza ang kanyang pag-atras sa proyekto dahil kinailangan niyang matungo ng Amerika para doon ipa-opera ang daliri.

Agad nakakuha ang Star Cinema ng kapalit sa katauhan ng bagito pa noong si Jane de leon na agad sumabak sa rigid training.

Ang original director ng movie remake ay si Erik Matti pero ito’y nag-back-out din. Siya’y pinalitan ng writer-director na si Jerrold Tarog who re-wrote the script and started shooting in January 2020. So far, naka-15 shooting days na ang “Darna” movie ni Jane when the pandemic struck kaya ito’y natigil.

January 2021 ay napag-alaman na umatras na rin si Direk Jerrold sa proyekto due to conflict of schedule. Ang original plan ng Star Cinema for a Darna movie ay naging isang serye. Then the veteran and award-winning director na si Chito Rono came aboard at nagsimulang mag-taping last November 15, 2021.

Ang action scenes training ni Jane ay kanyang unang nahasa nang siya’y pumasok sa top-rating and long-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Um-exit siya sa nasabing serye last October dahil kailangan na niyang simulan ang lock-in taping ng Darna project.

Samantala, natuwa sina Direk Chito at Jane and the rest of the cast nang mag-surprise visit sa taping ng serye ang tatlong big bosses ng ABS-CBN na sina Mark Lopez, Carlo Katigbak at Cory Vidanes sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose del Monte, Bulacan. Ito’y isang indikasyon ng kanilang suporta sa proyekto na isa sa major projects ng ABS-CBN sa taong 2022.

ABS-CBN Soundstage was opened and launched nung December 12, 2018.

Bela hindi raw magku-quit sa showbiz

IN her recent Instagram account, 30-year-old Bela Padilla clarified na hindi umano siya magku-quit sa kanyang showbiz career matapos niyang mag-post last November 22 na sa London na siya naka-base.

Ayon sa Fil-Brit actress, writer and director, nag-desisyon siyang mag-stay nang matagal sa London to reconnect with her paternal’s family and she’s enjoying it there habang wala pa siyang bagong proyekto sa Pilipinas.

Bela has two unreleased movies, ang local adaptation ng K-movie na “Spellbound” na pinagtatambalan nila ni Marco Gumabao kasama si Rhen Escano at ang kanyang directorial debut na “366” which she co-star, co-wrote and co-produced. Dito ay kabituin niya sina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Ayon kay Bela, muli siyang nakatanggap ng tawag from her home studio, ang Viva na isulat na niya ang kanyang susunod na project for the company.

BeatriceBeatrice suportado ng LGBTQ community sa Miss Universe journey

LUMIPAD na last Saturday, November 27 patungong Israel ang kinatawan ng Pilipinas sa 2021 Miss Universe pageant na si Beatrice Luigi Gomez (23) para sa 70th coronation night na gaganapin sa Universe Arena ng Eilat, Israel sa December 12 (Sunday).

Seventy-seven ang maglalaban-laban mula sa iba’t ibang bansa para sa 2021 Miss Universe crown at umaasa ang marami na masungkit ito ng Pilipinas. Ang outgoing Miss Universe 2020 na si Anrea Meza ng Mexico ang magpuputong ng korona sa kanyang successor.

Balik sa paghu-host sa 70th Miss Universe ang actor-comedian, author, host and businessman na si Steve Harvey, his 6th time to host the pageant.

Kung matatandaan pa, si Steve ang host nang magkamali siya sa pagbasa ng 2015 Miss Universe na ginanap sa Planet Hollywood Resort & Casino in Las Vegas, Nevada. Sa halip na pangalan ni Pia Wurtzbach ay pangalan ni Adriadna Gutierrez ng Colombia ang kanyang nasabi.

Samantala, si Beatrice ang kauna-unahang Filipina beauty queen na umamin ng kanyang pagiging miyembro ng LGBTQIA + community.

Very confident naman ang mga tao behind Miss Universe Philippines na pinamumunuan ng managing director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup-Lee (35) at 3rd runner-up sa 2011 Miss Universe na ginanap sa Sao Paolo, Brazil na malaki umano ang chance ni Beatrice na maiuwi ang korona.

LoisaLoisa at Ronnie may bagong serye

MATAPOS magbida sa iWant TFC series na “Unloving U,” ang ex-PBB housemates at magkasintahang Loisa Andalio (22) at Ronnie Alonte (25) ay muli silang magtatambal sa bagong TV series ng Dreamscape Entertainment, ang “Love In 40 Days” na matutunghayan in 2022. Ang nasabing serye na pamamahalaan ni Manny Palo mula sa panulat ni Rafael Mercado ay tatampukan din nina Elisse Joson, Janice de leon, Lotlot de Leon, Tonton Gutierrez, Mylene Dizon, Ronnie Henares, Pepe Herrera, William Lorenzo, Isay Alvarez at iba pa.

Speaking of Loisa and Ronnie, ang dalawa ay nag-celebrate recently ng kanilang 5th anniversary bilang mag-sweetheart sa Siargao Island kung saan nag-prepare si Ronnie ng candlelit dinner (by the sea) with his girlfriend.

Elisse at McCoy pinaghahandaan na ang first Christmas with baby

IT was only last October 31 nang maging special guest ang young couple and ex-PBB housemates na sina Elisse Joson at McCoy de Leon nalaman ng netizens and the public in general na meron na pala silang baby, ang 7-month old daughter nilang si Felize McKinzie.

Personal na inimbitahan nina Elisse at McCoy si Big Brother na maging isa sa mga ninong sa binyag ni Baby Felize na agad namang pumayag although hindi ito makakasipot in person dahil hanggang ngayon, nananatili itong misteryoso.

Wala pang ibinabahagi ang magkasintahan kung sa Amerika isinilang ang kanilang anak.

Bukod sa kanilang journey as brand-new parents to Baby Felize, pinaghahandaan na nina Elisse at McCoy ang nalalapit na first Christmas together.

Come December 1, si McCoy de Leon ay mapapanood sa “Yorme: The Isko Domogoso Story” mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan at tinatampukan din nina Xian Lim, Raikko Mateo, Janno Gibbs at marami pang iba. Ito’y pagsasapelikula ng buhay ng actor-politician na si Manila Mayor Isko Moreno and produced ng Saranggola Media Productions at mapapanood sa mga sinehan simula sa December 1.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE