Cindy

Cindy abswelto sa hiwalayang Aljur-Kylie

October 26, 2021 Aster Amoyo 340 views

ABSWELTO si Cindy Miranda sa paratang ng netizens noon na siya umano ang `third party’ sa hiwalayan ng dating mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Nagkasama sina Cindy at Aljur sa pelikulang “Nerissa” kung saan din kasama sa cast si AJ Raval na siyang nali-link ngayon sa controversial actor.

Ayon sa beauty queen-actress, wala umano siyang boyfriend pero never umanong nanligaw o nagparamdam sa kanya si Aljur nang gawin nila ang pelikulang “Nerisa”. Wala rin daw siyang kaalam-alam tungkol sa nangyayari sa dalawa.

‘Yun pala, si AJ ang type ng actor. Mainit pa ring items sina Kylie, Aljur at AJ sa social media.

MarcoDalawang beauty queens pinagsama sa isang mainit na pelikula

SA unang pagkakataon ay pinagsama sa isang pelikula, ang “My Husband, My Lover”, ang dalawang dating beauty queen-turned actresses, 2016 Miss International na si Kylie Verzosa at 2013 Bb. Pilipinas-Tourism na si Cindy Miranda. Ang nasabing pelikula ay mula sa panulat ng premyadong writer na si Ricky Lee at direksiyon ni Mac Alejandre kung saan kasama rin sina Marco Gumabao at Adrian Alandy.

Sa full trailer pa lamang ng pelikula ay ipinakita kung gaano palaban ang dalawang beauty queen-actress sa kanilang mga steamy scenes with Marco and Adrian.

During the digital presscon ng pelikula, inamin ni Marco na personal umano siyang nagpaalam sa boyfriend ni Kylie na si Jake Cuenca, na `kapatid’ niya sa seryeng “Los Bastardos.” Nagpapasalamat naman si Kylie sa kanyang actor boyfriend dahil nauunawaan umano ni Jake na trabaho lamang ito.

Si Kylie bilang si Alice ay may hot scenes with Marco as her husband na si Noel at Adrian as Dennis na siyang gumanap as her lover habang si Cindy naman bilang si Loida, isang abogada na magkakaroon ng affair kay Noel. Ang pelikula ay matutunghayan sa Vivamax streaming app simula sa darating na November 26, 2021. Ang Vivamax ay Number 1 Pinoy streaming app na meron nang 1.2M subscribers sa loob lamang ng siyam na buwan.

Ang pelikulang “My Husband, My Lover” ay second team-up na nina Kylie at Marco na unang nagsama sa “Parang Kayo Pero Hindi” pero lahat silang apat ay first time na nakatrabaho ng director na si Mac Alejandre na kanilang hinahangaan.

TVJVic at Joey solid para kay Tito

HINDI ikinakaila ng Senate President at kandidato sa pagka-Vice-President sa darating na May 2022 elections na si Tito Sotto na sobra umanong solid ang samahan nila ng kanyang bunsong kapatid na si Vic Sotto at Joey de Leon na siyang bumubuo ng popular triumvirate na Tito, Vic & Joey na nagsimula sa kanilang pagiging magkakabarkada nung early 70’s.

Ang tatlo, along with Tito and Vic’s elder brother na si Val Sotto at si Joey ay nagkasama sa gag show ng IBC-13, ang “OK Lang”. Then muli silang nagkasama sa “Discorama,” isang musical-dance program on GMA produced and hosted by the late Bobby Ledesma bilang kapalit noon ng Apo Hiking Society. Naging bahagi rin sila noon ng longest-running noontime show, ang “Student Canteen” jointly produced ng yumaong sina Eddie Ilarde and Bobby Ledesma na siyang pioneer hosts ng programa. Bukod kina Eddie at Bobby ay naging bahagi rin sa programa ang yumaong si Helen Vela maging si Coney Reyes at iba pa.

Taong 1979 nang umalis ang TVJ sa “Student Canteen” at “Discorama” para maging main hosts ng bagong tatag noon na noontime program, ang “Eat Bulaga” produced ng TAPE, Inc. ni Tony Tuviera. Ang “Eat Bulaga” na napapanood pa noon sa RPN-9 ang naging katapat ng “Student Canteen” on GMA.

Ang Tito, Vic & Joey ay naging in-demand din noon sa paggawa ng pelikula at naging sunud-sunod din ang kanilang long-play albums ng “Tough Hits” na umabot sa 12.

It was in 1988 nang mag-desisyon si Tito Sen na pasukin ang larangan ng pulitika nang siya’y tumakbo bilang vice-mayor ng Quezon City at siya’y nanalo. Isang term lamang siyang nanilbihan bilang vice-mayor ng QC at nung 1992 ay kumandidato naman siya sa pagka-senador at nanalo.

Hindi ikinakaila ni Tito Sen na malaking factor umano ang kanyang pagiging bahagi ng “Eat Bulaga” at ang suporta sa kanya nina Vic at Joey maging ang “Eat Bulaga” family kasama ang producer na si Tony Tuviera para mapagtagumpayan niya ang kanyang political career.

Ngayong muli siyang tatakbo sa mas mataas na posisyon, solid pa rin ang suporta sa kanya ng kanyang bunsong kapatid na si Vic at kumpareng si Joey gayundin si Tony Tuviera at ang mga Dabarkads ng “Eat Bulaga”.

JoeyJoey Lina balik-pulitika para sa mga komadrona

EIGHTEEN years ding naging bahagi ng TeleRadyo (dating DZMM) ng ABS-CBN ang abogado, singer, businessman, public servant, radio personality, dating Metro Manila Commission chairman, senador, gobernador ng Laguna at dating DILG Secretary at kasalukuyang president ng Manila Hotel na si Jose D. Lina, Jr. Mas kilala siya as Joey Lina sa kanyang long-running radio program, ang “Sagot Ko `Yan!” na kailangan niyang iwanan dahil siya’y tatakbo bilang party list representative ng Komadrona na siyang nagpapaanak sa mahihirap nating mga kababayan sa mga rural and remote areas in the absence ng mga doctor and nurses.

Malungkot ang katotohanan na kulang sa pansin ng pamahalaan at ng lipunan ang mga komadrona ng bansa kaya nagkaisa ang mga ito para lapitan ng dating senador na katawanin sila sa kongreso para naman magkaroon sila ng boses at matulungan ang kanilang sector. Sila ang dahilan kung bakit muling babalik sa public service si former Sen. Joey Lina dahil gusto niyang matulungan ang sector ng midwives.

Sa rami ng posisyon na hinawakan noon ni former Sen. Lina ay never itong nagpayaman. Katunayan, hanggang ngayon ay nakatira pa rin ito sa kanilang old town house in Xavierville in Quezon City with his wife na si Loretta Atienza-Lina at mga anak, except ‘yung dalawa na meron nang sariling pamilya. Simple siyang namumuhay ng kanyang pamilya at never nagkaroon ng mga properties sa iba’t ibang lugar, isang simple at matapat na tao na never nagkaroon ng kontrobersiya na may kinalaman sa corruption.

During his term as senator ay marami siyang naipasang batas at kasama na rito ang popular na Lina Law.

Ang ipinagtataka lamang ng marami ay kung bakit hindi ang pagiging senador muli ang kanyang tinakbuhan.

“Honestly, ang pakiramdam ko, I’m done with my political career. Pero nang lapitan ako ng mga komadrona para i-represent sila sa kongreso, naawa ako sa kanilang plight kaya ako tatakbo as Partylist Representative ng mga komadrona,” paliwanag ng dating senator and former DILG Secretary.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE