Herbert-Bautista

Engagement ni Kris, natabunan ng interbyu ni Kylie Labanan sa korte, hirit ni Kylie kay Aljur

October 25, 2021 People's Tonight 86 views

Herbert-BautistaNATABUNAN ang engagement announcement ni Kris Aquino nang lumabas on national Tv si Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday.

Inasahan ng manonood kay Kylie ang pagtanggi sa cheating accusations ng ex-husband na si Aljur Abrenica.

“’Yung mga statement na lumabas, medyo nagulat din ako. It’s unfair! I don’t have a say because I wasn’t just part of the marriage, dalawa kami.

“Gusto kong matapos ‘yung nangyayari sa amin na friends na kami. Bakit parang nag-iiba yata ang ihip ng hangin? \Ang dami kong puwedeng sabihin na ikasisira niya ’cause we’re both in the marriage. But I chose to keep quiet about the details. Hindi naman makakatulong sa amin ‘yon

“He knows what he did wrong. I know what I did wrong,” bahagi ng pahayag ni Kylie.

“If I say my side, hindi siya makakatulong. In some way, I’m still trying to protect what I can kasi ayaw ko nang tuluyang gumulo

“Kasi lumalaki na ang mga anak ko. Mapapanood nila ‘to at ayaw kong makita nila. As a mother, I have to protect what I can.

“I know my truth. I know what I went through and I know what he went through. Ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya. Let’s do it in court kung gusto mo ng ganyang labanan.

“Na-hurt ako, sobra sa sinabi niya that I wrecked a family. Hindi ko ini-expect because we had an agreement,” dagdag niya.

Diin pa ni Kylie, “I never had extra marital relationship with other men. That is my truth.”

Samantala, sa Instagram naman pinili ni Kris na ianunsiyo ang pagpayag niyang magpakasal kay dating DILG Sec. Mel Sarmiento.

Caption ni Kris sa IG, “Aamin ako, I’m only 95 pounds now. This pandemic and many stressful events that happened since mid-August really caused my weight to drop and my health to suffer.

“It’s been exactly four months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw niya talagang iwanan si ‘bunso’ na walang magbabantay at mag-aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan niya.

“To my best friend and the man I said yes to spending the rest of my life with, thank you for as Bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man.

It’s unreal how much more calm and peaceful I feel now that you’re here…. We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang puwede kong ma-share (I can only share up to this point). Except I guess to say as much as I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento.”

Marami namang celebrity friends ang bumati kay Kris, kabilang na ang aktres na si Anne Curtis.

Jun Nardo

AUTHOR PROFILE