Heartchiz

Chiz, sobrang happy sa pag-trend ng global premiere ng ‘Sorsogon’ ni Heart

November 17, 2021 Ian F. Fariñas 327 views

Hindi mapigilan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang excitement sa sunud-sunod na tweets nitong mga nakaraang araw patungkol sa bagong teleserye ng kanyang misis sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon.

Bakit nga ba naman hindi? Bukod sa pinagbibidahan ito ni Mrs. Heart Escudero, eh, sentro at titulo pa ng palabas ang Sorsogon.

Kaya naman kung excited at may halong nerbiyos si Heart bago ito umere, ganundin si Gov. Chiz.

Well, now they can both heave a sigh of relief.

Matagumpay ang teleserye at talaga namang tinutukan ito ng publiko nang mag-global premiere noong Nov. 15.

Naging trending din ang #ILeftMyHeartInSorsogon sa Twitter.

Masaya ring ibinahagi ni Chiz sa kanyang Facebook at Twitter accounts ang screening sa provincial capitol na dinaluhan ng ilang empleyado at kanilang mga pamilya.

Talaga namang aabangan ng publiko ang ILMHIS dahil in fairness, bukod sa star-studded ay maganda ang storyline na patok sa masa.

Sino ba naman ang mag-aakala na patataubin nito ang institusyon nang Ang Probinsyano ng ABSCBN na ilang taon na ring naghahari-harian sa telebisyon?

Ayon sa Nielsen Philippines, mas marami ang tumutok sa pilot episode ng ILMHIS kesa Ang Probinsyano na magkasabay halos ang airtime, with 12.1 percent rating and 11.8 percent, respectively.

The unprecedented record has made Heart Evangelista the newest primetime queen and certified multi-media superstar.

I Left My Heart in Sorsogon centers on a fashion socialite named Celeste (Heart) who returns to her hometown, rediscovers her roots and rekindles her love for family, community and an ex-flame.

Para kay Gov. Chiz, na ngayon ay balak magbalik sa Senado, hindi lamang tagumpay ni Heart ang teleserye kundi pati na rin ng lalawigan.

Mas marami ngayon ang makaka-appreciate sa natatanging ganda ng Sorsogon.

Umaasa rin si Gov. Chiz na maiengganyo nito ang mga turista — local man o mga dayuhan — na bisitahin ang probinsya.

Unti-unti nang nagbubukas ang mga border dahil sa gumagandang sitwasyon bunsod na rin ng pagbaba ng mga COVID-19 case.

Sooner than soon, people will start traveling extensively again. And hopefully, the teleserye will put the province in the map of international and domestic tourism.

’Pag dumami muli ang dadalaw sa kanilang lalawigan, tiyak na dagdag kabuhayan ito sa mga constituent ni Gov. Chiz.

AUTHOR PROFILE