Chinese

Chinese nat’l tumalon sa 5th floor ng condo

April 20, 2023 Jonjon Reyes 1109 views
Chinese1
Agad na inasiste ng mga operatiba ng BFP ang Chinese national na tumalon mula sa roof deck ng isang condo sa Tondo, Maynila. Kuha ni JON-JON REYES

ISANG 43-anyos na Chinese national ang tumalon mula sa ikalimang palapag ng gusali sa isang condominium sa panulukan ng Padre Algue Street, Tondo, Maynila Huwebes ng umaga.

Ang biktima ay may asawa, jobless, at residente ng condo sa nasabing lugar.

Sa inisyal na ulat, nag-away diumano ang suspek at live-in partner na humantong umano sa pambubugbog at saksakan.

Nang rumesponde ang mga pulis ay natakot diumano ang suspek na kumaripas ng takbo patungong roof deck at nagbanta na tatalon umano ito sa gusali na may taas na limang palapag.

Sinubukan pa pigilan ng kanyang live-in partner na huwag ituloy ang binabalak umano nito subalit bigla itong tumalon dahilan na hindi nasalo ng mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga pulis dahil sa bilis ng pangyayari.

Batay kay P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, nakatanggap sila ng tawag mula sa MPD Police Station 2 ika-7 ng umaga patungkol sa insidente.

Sa kasawiang palad, binawian din ng buhay ang Chinese national sa pinagdalhang pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

AUTHOR PROFILE