Default Thumbnail

Chinese businessman tumalon mula sa ika 5 palapag ng gusali

November 29, 2022 Jonjon Reyes 274 views

LASOG LASOG ang katawan, at namatay doon din ang isang 63 anyos na negosyante, makaraang tumalon mula sa ika- 5 palapag ng gusali sa Dagupan Street malapit sa Malong St.Tondo, Manila.

Nakilala ang biktimang si Milo Tan, residente ng Jose Abad Santos Avenue , Tondo.

Base sa ulat ni Police Lt. Daniel Gaddi Jr., Blk.Commander ng Manila Police District – Tayuman Police Community Precinct sakop ng Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 4:00 ng hapon, nang ireport sa kanyang tanggapan ang nasabing insidente.

Dahil dito, agad siyang nagtungo sa nasabing lugar kasama si Police Staff Sargent Emiliano Buño at iniutos nito na ikurdon ang kinaroroonan ng bangkay ng biktima saka ipinagbigay alam kay Police Lt. Dennis Turla , hepe ng MPD- Homicide Section.

Kasama ang Forensic Unit na pinangunahan ni Police Captain Gloria Cortes na nag imbestiga sa pangyayari.

Ayon kay Benson Tan, kapatid ng biktima may iniinda umano itong karamdaman at may kaugnayan sa kanyang negosyo.

Isang Silvestre Parado Jr.52 anyos na family driver ng pamilya Tan ang isa sa nagbigay ng salaysay sa pulisya.

Ayon kay Parado nakita umano nito ng biglang tumalon ang kanyang amo..

AUTHOR PROFILE