Richard

Child custody case ni Richard laban kay Sarah pinag-uusapan

February 24, 2024 Vinia Vivar 118 views

Matutuloy na diumano ang pagpa-file ni Richard Gutierrez sa korte ng child custody para makapiling na niya ang mga anak na sina Zion at Kai.

Ito ang ibinalita ni Cristy Fermin sa vlog niya with Romel Chica and Wendell Alvarez.

“Kalat na po ang kwentong ito at nakarating din po sa amin. Na mukhang magkakatuluyan na po ang pagsasampa ng reklamo o kaso ni Richard Gutierrez para sa child custody,” tsika ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Maaaring ‘yung annulment po siguro ay mapapahuli pa dahil may kumukontra sa panig ni Richard.”

Aniya pa, mas okay na rin na nasa ama nila ang dalawang bata kung hindi naman nabibigyan ng sapat na atensyon ng inang si Sarah Lahbati.

“’Yung sa child custody po, maganda na rin naman ‘yon. Kung sa kanyang palagay at sa kanyang pagtimpla ay hindi masyadong nabibigyan ni Sarah Lahbati ng atensyon ang kanilang mga anak, mas maganda kung nasa kanya,” sey pa ng batikang manunulat.

Sa ngayon daw kasi, ang arrangement nina Sarah at Chard ay tig-isang linggo sila sa mga bata.

Kapag nag-file umano ng child custody si Chard at maaprubahan ay mapupunta na sa kanya talaga ang pangangalaga sa dalawang anak at dadalawin na lang ni Sarah if ever.

Wala pang pahayag sina Sarah at Chard tungkol dito. Bukas ang People’s Tonight para sa kanilang panig o ng sinuman sa kanilang kampo.

AUTHOR PROFILE