Chavacano

Chavacano binubuhay sa Cavite City

March 2, 2024 Dennis Abrina 136 views

CAVITE CITY–Unti-unting binubuhay ng syudad na ito ang halos wala ng nakakaalam na Chavacano dialect sa pamamagitan ng unang Chavacano de Cavite Spoken Poetry Competition na ginanap sa Montano Gymnasium noong Peb. 29.

Siyam na paaralan ang nagpaligsahan sa pagbigkas ng kanilang sariling diyalekto bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month.

Kabilang sa mga sumabak sa elementary division ang Bagumbuhay Elementary School, Dalahican Elementary School, Garita Elementary School, Julian Felipe Elementary School, San Lorenzo Elementary School, St. Joseph College of Cavite Inc., Sta. Cruz Elementary School. Cavite National High School, Sangley Point National High School at St. Joseph College of Cavite Inc. ang mga sumali sa contest.

Nagwagi sa Grade School Division sina Shan Christian Garcia ng Garita Elementary School sa 1st place; Rielle Mariz Guevarra ng Joseph College of Cavite ang 2nd Place; at Si Maria Ava Verniz ng Julian Felipe Elementary School para sa 3rd Place.

Sa Junior High Division nasungkit ni Yohan Fernandez ng Cavite National High School ang 1st Place; Celestine Reyes ng St. Joseph College ang 2nd Place; at Jordan Lee Gaviola ng Sangley Point National High School sa 3rd Place.

Para sa Senior High at College Division, si Xyrell De Guzman ng Sangley Point National High ang nanalo ng 1st Place; Jul Sim Tebangin ng Cavite National High School para sa 2nd Place at Justine Pierre Corra mula sa St. Joseph College para sa 3rd Place.

Nakatanggap ng cash prize at plaque ang mga nanalo.

Layunin ng contest na muling buhayin ang Chavacano para hindi mawala dahil minana pa sa mga ninunong Espanyol na Spanish creole. Tatlong lugar sa Pilipinas ang may nagsasalita ng Chavacano–Cavite City, Ternate, Cavite at Zamboanga City.

Sa kasalukuyan, 6% na lamang ng populasyon ng lungsod ang nakakapagsalita ng Chavacano, ayon sa Cavite Tourism Office.

“Lubos na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ang proyektong ito para hindi tayo mawalan ng sariling diyalekto,” pahayag ni Mayor Denver Chua.

AUTHOR PROFILE