Airport Ang mga iba’t-ibang personnel personnel ng ahensiya ng gobyerno na nakibahagi sa emergency exercise sa Tacloban Airport na isinagawa ng Civil Avaition Authority of the Philippines. Photo courtesy ng CAAP

Unang emergency exercise isinagawa sa Tacloban Airport

March 2, 2024 Jun I. Legaspi 126 views

NAGSAGAWA ng kauna-unahang full-scale emergency exercise na may iba’t ibang senaryo ang pamunuan ng Tacloban Airport bilang paghahanda sa anumang kaganapan.

Tatlong magkakasunodn na senaryo ang isinagawa na dinaluhan ng 500 partisipante.

Una ang pagresponde sa eroplanong nabiktima ng bird strike, na tumama sa starboard ng engine na nagdulot ng ng pinsala sa eroplano.

Nagbunsod ito sa pagdedeklara ng piloto ng ’Mayday’ at humiling sa Tacloban Air Traffic Control Tower ng priority landing.

Kasabay nito, nawalan na rin ng kontrol ang piloto sa eroplano kaya’t bumagsak ito sa waterway canal na nagresulta sa pagkasunog ng eroplano.

Samantala sumabog ang itinagong eksplosibo sa isang bagahe habang isinasagawa ang emergency responses ng mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines at PNP Aviation Security Unit’s Explosive Management Division.

Ilan sa mga pasahero ang nasugatan na agad namang binigyan ng treatment.

Sinuri sa simulation exercise ang kahandaan ng paliparan at partners nito at pag-aassess sa kanilang response capabilities sa pagharap sa multiple simultaneous emergencies.

Nagsagawa rin ng bomb explosion exercise sa parking area ng Bicol International Airport noong Pebrero 29.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Aviation Security and Explosive Ordnance Disposal (EOD) V katuwang ang AVSEU-Bicol International Airport Police Station, BIA- Security at Intelligence Service, at ng contracted private security agency.

AUTHOR PROFILE