Abalos

Abalos pinulong CGLG sa Cebu

March 2, 2024 Jun I. Legaspi 119 views

PINULONG ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang Council on Good Local Governance (CGLG) sa Cebu City, kamakailan.

Tinalakay sa pulong ang mga ipinapanukalang criteria para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessment sa 2024- 2025.

Sa pulong, kinumpirma ni Abalos na kinakitaan ng positive performance at kagalingan sa assessment criteria na kinabibilangan ng Health Compliance and Responsiveness; Tourism Heritage Development, Culture and the Arts; at Sustainable Education ang mga lokal na pamahalaan.

“Natutuwa ako sa mataas na pagpapahalaga ng mga LGUs sa kalusugan, turismo at edukasyon base sa lumabas sa assessment para sa SGLG nitong nakaraang taon. Ipagpatuloy lang natin ang pagsisikap sa mga areas na ito,” saad ni Abalos.

Gayunman, iginiit ng kalihim na dapat palakasin pa ng mga lokal na pamahalaan ang pagbibigay nila ng social protection at sensitivity gayundin ang mga hakbangin sa financial administration at sustainability na nakapagrehistrop ng pinakamababang compliance rating pagdating sa SGLG assessments.

Alinsunod sa Republic Act 11292 o ang SGLG Act, ang CGLG ay pinamumunuan ng DILG at binubuo ng mga kinatawan mula sa 9 na ahensya ng gobyerno at mga kinatawan mula sa basic sectors na ino-nominate ng National Anti-Poverty Commission.

Kabilang sa mandato nito ang tiyakin ang maayos na pagbalangkas ng performance standards sa criteria; at pagsasagawa ng final assessment bago ang approval ng SILG.

Ang SGLG ay isang award, incentive, honor at recognition-based program para sa mga LGUs na naglalayong himukin ang mga ito na magpatupad ng maayos na mga hakbangin para sa ikabubuti ng public services.

Sa naturang pulong, binigyang-diin ni Abalos at ni Undersecretary Marlo Iringan ang kahalagahan na magkakatugmang hangarin at pagtiyak ng epektong pagpapatupad ng SGLG assessment process.

“Nagsisimula pa lang po tayo, mahaba-haba pa po ang pagsasamahan natin sa taong ito, at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyong suporta,” diin ni Abalos.

AUTHOR PROFILE