Pimentel

Cha-cha umani ng iba’t ibang reaksyon sa Senado

December 14, 2023 PS Jun M. Sarmiento 198 views

UMANI ng ibat ibang reaksyon sa Senado and usapin ng Charter Change na kamakailan lamang ay inihayag ang posibilidad na isabay sa nalalapit na eleksyon sa 2025.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III, napapanahon na aniyang bigyan ng pagkakataun ang pagpapalit ng kasalukuyan Saligang Batas sa pamamagitan ng Cha Cha ngunit ipinaliwanag din niya na ang istilo dapat nito ay sa pamamaraan ng Constitutional Convention .

Para na rin kay Pimentel, mas makaiige aniyang gawin ang ganitong pagsasagawa ng Cha Cha bago pa man dumating ang 2025 eleksyon upang mas malinaw na kung anong mga pagbabago ang dapat na isagawa at ipatupad.

Dinagdag pa ni Pimentel na ang mga rebisyon na gagawin ay dapat napapanahon lalo pa nga at sobrang luma na at wala na sa tono ang 1987 Constitution na ipinasa nuong panahon ni dating Cory Aquino.

Gayunman, iginiit niya na dapat gawin itong isang marangal na adhikain na naka sentro aniya sa mga pagpapalit ng istruktura ng gobyerno na makatutulong sa ekonomiya at pag unlad ng bansa.

Bagamat matindi ang suporta niya sa Federalismo ay naniniwala din si Pimentel na ang termino ng sinuman halal na serbisyo publiko ay hindi na dapat pang baguhin kahit pa ang pagpapalit ay mula presidential tungo sa federalism– dapat aniyang manatili ang term limit ng mga opisyales na nakaupo.

Iginiit din niya na bagamat nais niyang bigyan ng pansin ang pagpapalit ng Konstitusyon ay dapat aniyang maging partikular na maingat ang ating mga mambabatas sa pagpayag na makabili ng mga lupain ang mga dayuhan dahil na rin sa posibilidad na pagsasamantala sa ating mga mineral resources na siyang makakasama sa ating kalikasan at ito aniya ay tahasan niyang tututulan.

Para naman kay Senadora Imee Marcos isang malaking pagbabago ang desisyon ng liderato ng Mababang Kapulungan na aniya ay lumalabas na bukas sa posibilidad ng Cha cha.

Una pa rito, ani Marcos, ay matagal ng hayagan si Sen. Robinhood Padilla na magkaroon ng ganitong pagbabago sa Saligang batas at kung sakali aniya ay malaking bagay ito para sa lahat.

Si Padilla na siyang chairperson ng Committee on Constitutional Amendments sa Senado sa kanyang mga naunang pahayag ay sinabing susuportahan Cha cha kung saan ay iginigiit din nito na dapat bigyan halaga ang pagtalakay sa economic provision ng bansa lalo pa at apektado ang galaw ng ekonomiya.

Una ng sinabi ni Padilla na importanteng talakayin ang Public Services Act, Retail Trade Liberalization Act at ang Foreign Investments Act kung saan ay mabibigyan ng Karapatan ang mga dayuhan ng mag may ari ng lupa sa Pilipinas.

Ipinahayag ni Senadora Marcos ang kanyang pagtanggi lalo pa aniya at mismong ang nakakabatang kapatid na si Pangulong Marcos jr., ang nagsabing hindi pa napapanahon ang cha cha at ang dapat bigyan tutok sa kasalukuyan ay ang presyo ng bigas, hanapbuhay ng mamamayan, mga nagtataasan bilihin at marami pang iba.

Ayon naman kay Senate majority leader Joel Villanueva ang Cha Cha ay napapanahon na ngunit dapat ayusin ang timing at proseso ng pagsasagawa nito.

Sinabi naman ni Sen. Francis Escudero na hindi malayong umusad ang Cha cha kung maipapaliwanag ang tamang procedure o ang mode ng pagsasagawa nito at kung ano anong mga dapat himayin sa pagpapalit ng mga nakasaan ng batas sa kasaluyan.

Ang reaksyon ng mga senador ay base sa sinabi ni House Speaker Martin Romualdez kung saan ay sinabi nito ang posibilidad na pag aaralan ng Kongreso ang Cha Cha upang makatulong sa kasalukuyan pagpapatakbo ng bansa. Nina PS JUN M. SARMIENTO & CAMILLE P. BALAGTAS