Cayetano

Cayetano no.1 sa survey

January 23, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 159 views

NANGUNA si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa senatorial survey na isinagawa sa social media ng isang survey firm na naka-base sa Davao City.

Isinagawa ang survey ng University of Mindanao-Institute of Popular Opinion mula December 21 hanggang December 28, 2021.

Tinawag ang survey na “The Filipino social media users from different regions of the Philippine.”

Ayon sa UM-IPO, ipinatupad ang survey sa pamamagitan ng online dahil bawal pa ang physical contact matapos sumipa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.

Tinarget ng survey ang social media users na pinili sa pamamagitan ng sponsored ads sa Facebook at Instagram.

Nakakuha si Cayetano ng 35% sa survey na sinundan nina Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero, 34.4%; dating Public Works and Highways Sec. Mark Villar, 33.4%; Deputy Speaker Loren Legarda, 32.6%; news anchor Raffy Tulfo, 26.9%; reelectionist Senators “Migz” Zubiri, 26.6%; Joel Villanueva, 26.4%; at Sherwin Gatchalian, 25%, dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay, 24.1%, actor Robin Padilla, 24.5%, dating Sens. Jose “Jinggoy” Estrada, 19.7%, at Joseph Victor “JV” Ejercito 19.2%; at Sen. Risa Hontiveros, 19.1%.

Ito na ang pangalawang senatorial survey na nag-top 1 si Cayetano. Una dito ang 2021 last quarter survey ng Pulse Asia Ulat sa Bayan na inilabas noong nakaraang Disyembre.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Cayetano ang sambayanang Filipino sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya at nangakong itutuloy ang pagbibibigay ng atensyon sa coronavirus disease-19 (COVID-19) response ng gobyerno para sa mga biktima ng pandemya at oversease Filipino workers (OFWs).

“Our priority right now remains the same: conducting programs and pushing for laws that will improve the health and livelihood of our kababayans all over the country and abroad,’’ Cayetano said.

Isinusulong ni Cayetano ang 10K Ayuda Bill para matulungan ang ating mga kababayang iginupo ng pandemya.

Minabuti ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong kongresista at private donors na mamahagi ng 10K ayuda sa mga nangangailangan.

Sa ngayon, umaabot na sa 15,778 ang nakatanggap ng 10K ayuda mula sa grupo ni Cayetano.

Bilang dating kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), pinangunahan ni Cayetano sa Kamara de Representantes ang pagtatatag ng Department of Migrant Workers (DMW).

Nilagdaan ito ni Pangulong Duterte bilang batas noong December 30, 2021.

Umaasa si Cayetano na pakikilusin kaagad ang naturang ahensya sa pag-upo ng susunod na Pangulo upang mabigyan ng atensyon ang hinaing ng OFWs.

AUTHOR PROFILE