Lacson

Galing ni Ping lumutang

January 23, 2022 People's Tonight 96 views

NAKUHA ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang atensiyon at paghanga ng mga manonood at maging ng netizens na tumutok sa halos dalawa at kalahating oras na Presidential Interviews na napanood Sabado ng gabi sa telebisyon at social media platforms.

Mistulang pinakain ng alikabok ni Lacson ang ibang lumahok na presidentiables sa mga tanong ng beteranang mamahayag tungkol sa mga saloobin at pananaw sa mga usaping kinakaharap ng bansa, kasama na pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Partikular na humanga ang mga netizen sa pagsagot ni Lacson sa programa ni Jessica Soho hinggil sa kung ano ang nakikita niyang problema sa bansa at kung paano ito masosolusyunan gaya lamang dati pa niyang inihahayag na ang ugat at solusyon sa mga problema sa ating bansa ay nasa gobyerno rin.

“Ang isang kamalian nating mga Pilipino: tumigil tayo na mangarap. We have become dreamless, hopeless and helpless. Ang dapat dito baguhin ‘yung attitude ng ating mga kababayan sa ating gobyerno. Kaya nga dapat ang manguna sa pagbabago ng attitude ng mga Pilipino ‘yung gobyerno mismo,” ayon kay Lacson.

Umingay din sa social media ang mga komento ni Lacson sa ‘Isang Salita’ segment ng programa. Pinakapinag-usapan ang pagtawag niya na “Sayang” sa tinaguriang ‘Dolomite Beach’ sa Maynila na dinugtungan niya pa ng “Sayang pera”.

Ayon sa netizen na si Asoy Salonga (@IamAsoy), “That sayang and naku of Ping Lacson are also some of the people’s answer. Props to him, he is confident despite the fiery questions. In fairness to him. Also props to him for attending the interview despite having Covid the past few days.”

Kabilang din sa mga tanong na nagpalutang sa mga sa kakayahan ni Lacson ay ang tungkol sa kung sinong Presidente ang kanyang hinahangaan na agad at walang kagatol-gatol niyang tinugon ng base sa personal na karanasan.

AUTHOR PROFILE