Cavitex C5 link 20% completed
INANUNSYO ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), kasama ang Joint Venture (JV) partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), ang 20% completion rate ng Cavitex C5 Link na nakatakdang matapos sa 4th quarter ng 2022.
Ang Cavitex C5 Link ay isang 7.7-kilometer 2×3 lane expressway na magkokonekta sa Cavitex R1 patungo sa C5 Road sa Taguig.
Sa ginawang video conferencing sa pangunguna ni Arlett Capistrano, Communication Stakeholder Management, AVP at Metro Pacific Tollways South, napag alaman P15-bilyon project na binubuo ng Segments 2 at 3. Simula pa taong 2019, bukas na sa motorista ang Segment 3A-1 (Merville to C5 Road); habang ang Segments 3A-2 (E. Rodriguez to Merville) at Segment 2 (R1 Interchange to Sucat Interchange) ay patuloy na kinukumpuni. Ang Segment 3B (Sucat to E. Rodriguez) naman ayon sa CIC, ay sisismulang gawin sa 1st quarter ng 2022.
“Kami’y nagpapatuloy sa konstruksyon ng mahalagang proyektong ito sa gitna ng mga hamong dala ng pagpapatupad ng mas mahigpit na lockdown. Kasama ang aming JV partner na PRA, kami ay nakatuon sa kapakanan at kaligtasan ng aming mga manggagawa at sinisiguro din namin ang pagsunod sa safety protocols kasabay ng pagpapatuloy sa proyektong ito,” ani Mr. Roberto V. Bontia, President at General Manager ng CIC.
Kabilang sa isinasagawang road works ay ground improvements, concrete pouring, konstruksyon ng slab deck, drainage system, at bridge substructure works.
Oras na makumpleto ang pagkukumpuni sa Cavitex C5 Link, ito ay makapagseserbisyo sa 50,000 motorista at inaasahang mapaiikli nito ang travel time mula Cavite, Las Pinas, at Paranaque City patungong Makati at Taguig ng 30 minuto.
Bukod pa sa mas pinaigting na construction efforts para sa mga bagong segments ng Cavitex C5 Link, sisimulan na rin ng CIC ang pagkakabit ng mga Automatic License Plate Recognition (ALPR) cameras sa mga toll plaza ng Cavitex, na layung mapahusay ang RFID toll collection system sa expressway.
Ang ALPR ay gumagamit ng mga smart cameras at kaya nitong suportahan ang pagbasa ng RFID scanner sa pamamagitan ng pagbasa sa mga plaka ng sasakyan.
Bukod sa Cavitex at Cavitex C5 Link, hawak din ng MPTC ang concessions para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.