Carmella Larawan: Karla Estrada/IG

Carmella nagmana ng ganda kay Karla

February 13, 2024 People's Tonight 108 views

PINAGPIYESTAHAN sa social media ang anak ng aktres na si Karla Estrada na si Carmella Ford, matapos naglipana ang debut photos nito sa Instagram.

Napukaw ang atensyon ng netizens dahil sa angking ganda nito, na namana daw niya kay Karla.

Nakaraang Pebrero 8, nag-celebrate ng 18th birthday si Carmella sa Blue Leaf Pavilion in McKinley Hill sa Taguig. Mala-princess naman siya sa matapos suotin ang red fitted corset ball gown na gawa ng fashion designer na si Mark Bumgarner.

Kabilang sa dumalo sa dreamy garden debut ng young stunner ay sina Unkabogable Star Vice Ganda, Sunshine Cruz kasama ang tatlong anak, Ruffa Gutierrez, Robin Padilla, at mga kapatid nito.

Kita rin doon ang controversial actor na si Daniel Padilla na nag-abot pa ng isang boquet sa debutante at sumayaw pa sila.

Nakatanggap naman ng madamdaming mensahe si Carmella galing sa kanyang ate na si Magui Ford.

Natanong naman ng netizens, kung may balak ba umanong pumasok sa showbiz industry ang magandang dalaga.

AUTHOR PROFILE