Default Thumbnail

Cabanatuan may flash alarm para sa ninakaw na motor, tricycle

July 8, 2023 Steve A. Gosuico 154 views

CABANATUAN City–ISANG flash alarm ang inilabas ng pulisya ng siyudad na ito para arestuhin ang mga suspek sa pagnanakaw ng isang motorsiklo at tricycle noong Biyernes.

Inilalagay sa police blotter ang flash alarm para iutos sa lahat ng police units na hanapin at hulihin ang maydala ng ninakaw na puting Honda Click na motorsiklo (132 WES) na may engine no. JA46E7783200, chassis no. MH1JA4677NK784180.

Pagmamay-ari at nakarehistro kay Jericho Gadi, ng Purok Yakal, Bgy. Pamaldan, Cabanatuan City ang ninakaw na motorsiklo.

Ang isa pang flash alarm para sa pulang Honda TMX tricycle na may engine no. KSW10E282301, chassis no. KSW10280884 at nakarehistro kay Lester John Lintol, ng Bgy. Bagong Sikat, Cabanatuan City.

Sinabi ng pulisya na puwersahang kinuha ang Honda motorcycle sa biktima sa Purok Yakal, Bgy. Pamaldan noong June 30 bandang 11:20 ng gabi.

Ninakaw naman ang Honda tricycle habang nakaparada sa harap ng N.E. Good Samaritan Health System Inc. sa Burgos Avenue sa Bgy. Sangitan West bandang 10:22 ng gabi noong Marso 1, 2023.

AUTHOR PROFILE