Phivolcs

Bulusan Volcano nasa Alert Level 1

October 25, 2023 Melnie Ragasa-limena 217 views

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert level status ng Bulusan Volcano sa Alert Level 1.

Ayon sa Phivolcs, may kabuuang 121 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulusan Volcano Network mula Oktubre 14 hanggang sa kasalukuyan.

Una nang naobserbahan ang pagtaas ng seismic activity sa Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon na nasa Alert Level 0 o normal mula noong Enero.

Gayunpaman, sinabi ng Phivolcs, ang volcanic earthquakes ay sanhi ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan kumpara sa tectonic na lindol na dulot ng fault movements.

Ang pag-degas sa aktibong bunganga ng summit at mga lagusan ay mahina hanggang sa katamtaman noong linggo, habang ang volcanic SO2 (sulfur dioxide) gas emission noong Oktubre 19 ay nag-average na malapit sa background values na 241 tonelada/araw.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone.

Ito ay dahil umano sa maaaring may biglaan at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions, pagbagsak ng mga bato at pagguho ng lupa.