Posas

Serbidora arestado dahil sa pangangalunya sa Ecija

October 25, 2023 Steve A. Gosuico 319 views

ALIAGA, Nueva Ecija — Nasakote ng pulisya ang 30-anyos na serbidora na inakusahan ng adultery nitong Martes ng hapon dito.

Sinabi ni police head Major Nestor E. Fabro na ang babae, residente ng Sitio Balod, Bgy. Bucot, ang bayang ito, ay nahuli sa Bgy. Poblacion Centro alas-3 ng hapon.

Ang operasyon laban sa kanya ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest para sa adultery na inisyu ng Municipal Trial Court ng Aliaga noong Oktubre 20, 2023 na may inirekomendang piyansa na P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sinabi ni Fabro na ang naarestong suspek ay nakakulong ngayon dito para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE