Bugoy nagpabilib bilang batang tatay

June 23, 2021 Aster Amoyo 434 views

FORMER child actor, dancer and vlogger Bugoy Carino (Rogel Kyle Carino, Jr.) is a father of a three-year-old daughter, Scarlet sa kanyang basketball player partner na si EJ Laure who is five years his senior. The teen actor-dancer was only 15 nang siya’y maging ama at 20 naman that time ang kanyang girlfriend na si EJ.

People thought na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa pero hanggang ngayon ay sila pa rin ang magkasama.

Although naging controversial ang relasyon nina Bugoy at EJ in 2018, marami naman ang napahanga sa young actor-dancer dahil pinangatawanan nito ang responsibiliad sa kanyang kasintahan nang ipagbuntis nito ang kanilang first baby.

Turning 19 on September 3, inamin ng young actor na marami umano ang nabago sa kanya nang dumating ang baby nila ni EJ na si Scarlet at tatlong taon na umano niya sini-celebrate ang Father’s Day with his young family.

Si Bugoy ay naging winner sa Star Circle Quest ng ABS-CBN nung 2009 na siyang naging daan niya sa kanyang pagpasok sa showbiz. Naging bahagi rin siya ng dating kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at naging member din siya ng all-male dance group ng “It’s Showtime” na Hashtags.

He was four years old nang magkaroon siya ng interes sa pagsayaw.

KC feel na feel ang pagiging panganay

AT thirty six, single pa rin hanggang ngayon ang kaisa-isang anak ng estranged showbiz royal couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ang singer-actress, host, celebrity endorser and jewelry designer na si KC Concepcion. Pero ang advantage ng pagiging single lady ay nagagawa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin including her bonding moments with her seven younger half-siblings except Cloie Syquia Skarne na naka-base sa Sweden. Siya ang kaisa-isang anak ni Gabby sa kanyang second ex-wife na si Jenny Syquia-Skarne na may sarili nang pamilya sa Sweden. Ang isa pa niyang half-sister (sa father side) ay si Garie Concepcion sa businesswoman at dating politician na si Grace Ibuna. Her two other half sisters sa kanyang ama ay sina Samantha at Savanah while her half-siblings sa kanyang inang si Sharon ay sina Frankie, Miel at Miguel.

Close lahat si KC sa kanyang younger half siblings at ipinadarama niya sa kanyang mga kapatid that she’s a big sister to all of them. Most recently, nakikita si KC na nakikipag-bonding sa dalawa niyang youngest sisters na sina Samantha at Savannah. There are times na magkakasama sila sa sariling resort ng kanilang amang si Gabby sa Lobo, Batangas at may pagkakataon naman na pumupunta sa kanyang bahay ang dalawang bagets to bond with her. Gustung-gusto ni KC ang feeling ng pagiging ate sa kanyang mga nakababatang kapatid.

KC’s mom had her when she was 19.

KC has had a string of relationships in the past which include Pierre-Emmanuel Plassart, Alexander Borromeo, Paulo Avelino, Piolo Pascual, Lino Cayetano (director and now mayor of Taguig City), Rico Blanco and Ugo de Charette. She was also linked to apl. de ap (Allan Pineda), Billy Crawford and Chandler Parsons.

Pagbabakuna ng celebrities nakakaengganyo

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

TIYAK na makakatulong na maka-engganyo ng mga taong may hesitation pa sa bakuna ang mga celebrity na nagpa-vaccine na against Covid-19. Dahil sa joint effort ng MMDA (Metro Manila Development Authority) at ng MOWELFUND, maraming showbiz personalities ang nagpabakuna at kasama rito ang ilang showbiz couples tulad nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Gerald Anderson and Julia Barretto, Rico Blanco at Maris Racal at iba pa.

We know of some people na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna dahil sa takot o kung hindi man ay hindi naniniwala sa bakuna.

Ria walong doktor ang tumingin bago nagpaopera

IT was last year when Ria Atayde (29) was diagnosed with spine herniated disc na siyang cause ng pananakit ng kanyang spine. Bago siya sumailalim ng operasyon last April ay kumonsulta siya sa walong doctor. And she’s glad that she made the right decision dahil masarap na umano ang kanyang pakiramdam ngayon.

Inamin ng dalaga ng veteran actress na si Sylvia Sanchez at nakababatang kapatid ng actor na si Arjo Atayde na napaka-uncomfortable umano ng kanyang pakiramdam noong hindi pa siya naooperahan.

Samantala, waiting pa rin ang marami kung nag-level up na ang relasyon ni Ria sa kanyang good friend, ang actor na si JM de Guzman na nakatrabaho ng kanyang inang si Sylvia Sanchez sa dating TV series na “Pamilya Ko”.

Anak ni Anne nakita na ng lolo

MASAYANG-masaya ang Fil-Australian actress-host at celebrity endorser na si Anne Curtis na nagkita na rin sa wakas ang kanyang more than one-year-old daughter na si Dahlia Amelie at ang kanyang dad na si James Ernest Curtis-Smith na itinaon ni Anne sa Father’s Day celebration last Sunday, June 28.

Kitang-kita umano ang excitement ng kanyang dad nang makita ang kanyang kauna-unahang apo.

Samantala, kahit last February 2021 pa bumalik ng Pilipinas si Anne from Australia kung saan niya isinilang si Dahlia ay hindi pa rin ito bumabalik sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” dahil gusto nitong ma-protektahan sa coronavirus ang kanyang anak maging ang kanyang husband na si Erwan Heussaff.

Bukod sa “It’s Showtime,” naghihintay din ang kanyang home studio, ang Viva Films sa kanyang availability para magsimula ng bagong movie.

Pelikula nina Alex at Piolo ipalalabas na

DAPAT sana’y nung isang taon pa dapat ipalabas ang directorial debut ng actress na si Alessandra de Rossi, ang “My Amanda” na siya rin ang sumulat for Spring Films. Ang nasabing pelikula ay pinagtatambalan nila for the very first time ni Piolo Pascual na siya ring nasa likod ng Spring Films along with his business partners na sina Bb. Joyce Bernal at Erickson Raymundo. Si Direk Joyce ang tumatayong creative producer ng nasabing pelikula. Na-postpone ang pagpapalabas ng pelikula dahil sa pandemya at sarado lahat ng mga sinehan nationwide pero ito’y nakatakdang ipalabas sa Netflix on July 15.

Piolo Pascual

Nagpapasalamat si Alex (palayaw ni Alessandra) kay Piolo at sa Spring Films sa tiwalang ibinigay sa kanya hindi lamang bilang aktres kundi bilang writer-director.

It was Spring Films who saw the potentials in Alex and Empoy Marquez nang pagtambalin ang dalawa in 2017 sa kanilang hit movie na “Kita Kita” na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo which was shot in Japan. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang pagpu-produce ng kumpanyang pinamumunuan ni Piolo who is not out of Star Magic’s graces.

Samantala, bukod sa “My Amanda” ay may iba pang material si Alex na gusto niyang gawin.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE