Ara at Dave tahimik na ikinasal?

June 22, 2021 Joey Aquino 613 views

MAGIGING June bride ba ang aktres na si Ara Mina?

Ito ang tanong ng fans hinggil sa pagpapakasal ng aktres sa fiance niyang si Dave Almarinez. Matatandaan na ginulat ng dalawa ang publiko sa kanilang engagement last January. Bago pa man nangyari ang nasabing proposal, usap- usapan na ang kanilang relasyon. Ngunit naging mailap ang aktres noon tungkol sa kanyang love life. Sa huling guesting nito sa Magandang Buhay, sinubukan ng tatlong momshie na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na i-reveal kung sino ang kanyang boyfriend. Bagaman nagulat sa tanong, naiwasan pa rin ni Ara na huwag sagutin ang tanong. Tanging hint na binigay niya na non- showbiz daw ang kanyang dini- date.

Hindi naman natin masisisi itong si Ara dahil non-showbiz ang kanyang fiance. Si Dave ay president at CEO ng Philippine International Trading Corporation, na katumbas nito ang position ay Undersecretary. Naging Provincial Board Member din siya ng Laguna. Kaya ‘di na siya bagito sa pulitika.

November last year nang aminin nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Ngunit sadyang low key lang daw ang kanilang relationship. Hanggang sa tuluyan nang mag- propose itong si Dave kay Ara last January 12. Kinabukasan, sa January 13, 2021 Instagram post ng aktres, ipinagmalaki niya ang engagement ring with caption that reads: “Dave, thank you for being my answered prayer. Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love. Yes, I will marry you!”

Nauna nang naibalita na April 28 ang wedding date nila sa Baguio City. Ngunit na- postpone ito dahil sa pagdami ng Covid-19 case dahilan para sa stricter quarantine. Kaya minarapat nilang i-reschedule ang kanilang kasal ngayong Hunyo. Ngunit magtatapos na ang buwan, wala pa ring exact date ang kanilang wedding. At tikom pa rin ang bibig ng dalawa hinggil dito, maging sa detalye ng kanilang kasal.

Pero totoo ba ang bulung-bulungang ikinasal na raw ang dalawa noong June 12? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE