Rayver

Breakup kay Janine, kinumpirma ni Rayver

January 5, 2022 Vinia Vivar 234 views

Kinumpirma na ni Rayver Cruz na single siya ngayon. Indirectly, inamin na rin niya na talagang wala na sila ni Janine Gutierrez.

Buhat kasi nang napabalita ang breakup nila last November ay hindi pa nagsasalita sina Janine at Rayver.

Last Sunday, sa pamamagitan ng game na Stop Dance sa All-Out Sundays ay napaamin nang wala sa oras si Rayver.

Sa nasabing game na sinalihan ng Kapuso stars, oras na gumalaw ang contestant pagtigil ng music ay may tanong sa kanila na kailangan nilang sagutin.

At ang nakakatuwa, sa bandang huli, ang natira na lang talaga ay sina Rayver at Julie Anne San Jose na noon pa nali-link sa isa’t isa.

So, natalo si Rayver kaya tinanong siya ni Pokwang.

“Ayoko sanang tanungin ‘to pero bilang tsismosa ‘ko… Rayver, alam na ng buong mundo na single ka na…,” simulang hirit ni Pokwang at napangiti si Rayver.

Patuloy niya, “Ready ka na bang magmahal muli?”

Nakangiting sagot ni Rayver, “You know what, guys, hinay-hinay lang muna” sabay-sabi kay Pokwang ng “pero tama ‘yung sinabi mo” at tumatawang umalis na sa camera.

Tawanan naman lahat at pati si Julie Anne ay bongga ang ngiti.

Well, sabi nga nila, ’pag natatawanan mo na ang breakup, ibig sabihin ay naka-move-on ka na.

AUTHOR PROFILE