Coco tumatanaw ng utang na ;oob kay Direk Brillante

January 5, 2022 Aster Amoyo 304 views

MARUNONG lumingon sa kanyang pinanggalingan ang actor-turned director at movie producer na si Coco Martin na nagsimula noon bilang indie actor sa mga indie films ng internationally-award-winning director na si Brillante Mendoza.

Unang naidirek ni Direk Brillante si Coco in 2005 sa pelikulang “Masahista” na nasundan ng “Tirador” at “Foster Child” in 2007, “Service” in 2008, “Kinatay” in 2009 at “Captive” in 2012. Nung isang taon ay may tinapos ding pelikula si Direk Brillante na muling pinagbidahan ni Coco kasama ang rumored girlfriend nitong si Julia Montes na kinunan pa sa Pola, Mindoro kung saan ang mayor ay ang dating aktres na si Ina Alegre pero hindi pa ito naipapalabas. Ito’y co-produced mismo nina Coco at Direk Brillante. May isa pang pelikulang tinapos sina Coco at Direk Brillante, ang Kapampangan film na “Apag” kung saan muling magkakasama sina Coco, Sen. Lito Lapid at anak nitong si Mark Lapid. Kasama rin sa pelikula ang bagong laya, ang actor na si Julio Diaz. Kasama rin sa movie sina Gina Pareno, Jacklyn Jose, Mercedes Cabral at ang nakababatang kapatid ni Coco na si Ronwaldo Martin.

Isa sa mga paboritong actor ni Direk Brillante si Coco at hindi nito ikinakaila na lalo umanong gumaling ang actor sa pagdaan ng maraming taon pero ang isang ikinagugulat ng premyadong director ay ang pananatili nitong humble sa kabila ng kanyang estado ngayon bilang isang major actor.

Likas na rin kay Coco ang pagiging matulungin laluna sa maraming actor na hindi na halos nabibigyan ng proyekto. Since may say ang actor-director sa kanyang top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” marami siyang nabigyan ng trabaho at panibagong pagkakataon laluna ang ilang actor na napariwara ang buhay dahil sa bisyo tulad nina Julio Diaz at CJ Ramos.

Samantala, kung ang fans ni Coco at followers ng “FPJ’s Ang Probinsyano” lamang ang masusunod, ayaw nilang matapos ang nasabing serye na mahigit anim na taon nang nasa ere turning seven sa buwan ng September.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nanatiling namamayagpag sa lahat ng mga teleserye sa telebisyon making Coco as the undisputed TV Primetime King.

MaxineMaxene hiwalay na sa mister?

HIWALAY na ba ang panganay na anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, ang singer-actress na si Maxene Magalona sa kanyang husband of almost 4 years, ang musician na si Robert Mananquil? Ito ngayon ang espekulasyon ng netizens matapos i-unfollow ng singer-actress sa Instagram ang kanyang mister.

Halos wala na rin sa Instagram account ni Maxene ang mga photos nila ng kanyang husband (except for the picture in this column). Kapansin-pansin din ang sunud-sunod na cryptic post ng “Viral Scandal” actress sa kanyang Instagram account na meron siyang pinagdadaanan ngayon. Marami rin ang nagtaka nang solong magtungo ng Boracay ang actress kamakailan lamang.

Ang nakakalungkot lamang, hindi na umabot ang mag-asawa sa kanilang 4th wedding anniversary ngayong Sabado, January 8. The couple (or uncouple?) got married nung January 8, 2018 sa Santuario de San Antonio Parish in Forbes Park, Makati na sinundan ng kanilang beach wedding in Boracay nung February of same year. Hindi rin nagkaroon ng supling ang (dating) mag-asawa.

Samantala, going strong naman ang pagsasama ng mag-asawang Saab Magalona at Jim Bacarro. Si Saab ay nakababatang kapatid ni Maxene at meron na silang dalawang anak na sina Pancho Gerardo (3) at Vito (2). Ang panganay nina Saab at Jimmy na si Pancho ay may kakambal na baby girl na si Luna Isabel pero ito’y pumanaw pagkapanganak habang si Pancho naman ay tumagal ng ilang buwan sa pagamutan pero naka-survive.

Jo BerryJo Berry bida uli sa bagong teleserye

NAPAKASUWERTE ng 27-year-old Kapuso actress na si Jo Berry (Josephine Bibit Berry) dahil sa kabila ng kanyang abnormal height (due to dwarfism) na kanyang minana sa kanyang Spanish-American father na si Perry Berry, Sr., hindi ito naging hadlang sa pag-abot ng kanyang mga pangarap at pagsikat bilang isang actress.

Matapos siyang mapanood sa “The Lorna Fernandez Story” episode ng “Magpakailanman” on GMA in 2016, agad siya kinontrata ng Kapuso network at kasunod na rito ang kanyang title role TV drama series na “Onanay” na ipinalabas nung 2018 at kung saan niya nakasama ang dalawang premyadong aktres na sina Nora Aunor at Cherie Gil, among others. Nung 2019 naman ay kasama siya sa seryeng “The Gift” kung saan niya nakasama sina Alden Richards, Jean Garcia, Elizabeth Orpesa, Christian Vasquez at iba pa.

Sa darating na Enero 10 (Lunes) sa ganap na ika-3:15 ng hapon ay mapapanood muli si Jo sa “Little Princess” where she plays the title role. Dito ay makakasama naman niya sina Jestoni Alarcon, Angelika de la cruz, Geneva Cruz, Chuckie Dreyfus, Rodjun Cruz, Juancho Trivino, Therese Malvar, Jenine Desiderio, Lander Vera Perez, Tess Antonio, Gabriellle Hahn at Kaloy Tingcungco.

Pinangarap noon ni Jo na maging isang abogada pero nagtapos siya ng Computer Science and started working in an outsourcing company bago niya pinasok ang pagiging artista.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE