soco Sinisiyasat ng mga operatiba ng SOCO-MPD ang gray na Toyota Innova (NBU-3491) ng biktimang si Eudes Nerpio na na-ambush sa kahabaan ng Plaza Cervantes patungong Quintin Paredes St. at San Vicente Streets sa Binondo, Maynila. Kuha ni JON-JON C. REYES

BOC employee inambush sa Binondo

January 8, 2022 Jonjon Reyes 1046 views

NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa pananambang sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) Biyernes ng gabi sa Binondo, Maynila.

Sa nakuhang impornasyon, kinilala ang biktima na si Eudes Nerpio, Section Chief ng section 1B BOC- MICP.

Bandang 7:44 p.m. ng Enero 7, 2022, nang mangyari ang pananambang habang binabagtas ni Nerpio ang Plaza Cervantes patungong Quintin Paredes St. at San Vicente St.

Lulan ang biktimang kanyang gray na Toyota Innova nang barilin sa ulo ng gunman na nakasuot ng black jacket at grey helmet at nakasakay sa motorsiklo.

Naitakbo pa ang biktima sa Manila Medical Center Hospital ngunit ideklarang patay ito pasado 8 p.m.

Napag-alaman din na may pasahero ang biktima na si Cris Erna.

Ang nasabing pasahero ay nakaligtaa sa pamamaril at walang tinamong sugat.

Patuloy na inaalam ang posibleng motibo sa pananambang. Kasama si C.J. Aliño

AUTHOR PROFILE