Winnie Castelo

Castelo: Elderly bigyan ng libreng shuttle papuntang vax center

January 8, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 137 views

HINILING nitong Sabado ni Quezon City District 2 Councilor Winnie Castelo sa city government na pagkalooban ang senior citizens ng libreng shuttle para makapunta sa vaccination centers sa kanilang barangay.

“Giving them free transportation will lessen their fear of exposure to the virus. They will naturally feel safer in less crowded vehicles than in public utility jeepneys or buses,” ani Castelo.

Sinabi ni Castelo na maaaring gamitin ng city government ang mga sasakyan na pag-aari ng barangay para dalhin ang senior citizens sa kanilang vaccination sites.

Aniya, maaaring ang barangay officials ang magpahayag sa kanilang nasasakupan ng libreng shuttle service, ani Castelo.

“This will increase our vaccination rate, expand the rollout of boosters and contain the spread of the new virus variant omicron,” ayon kay Castelo.

Kasabay nito, hiniling ni Castelo sa city government na pagkalooban rin ang senior citizens at ibang mga residente ng pagkakataong makapamili ng bakunang ilalagay sa kanilang katawan.

“Obviously, people have their preferred brands and are waiting for these to become available to get vaccinated or to receive their booster,” ani Castelo.

Sa kaso ng senior citizens, sinabi ni Castelo na marami sa kanila ang nabakunahan noong nakalipas na Abril at Mayo, walo o siyam na buwan na ang nakakalipas kung saan tanging ang Chinese-made Sinovac ang inaalok.

Aniya, sinabihan ang mga ito ng pamahalaan na kunin na ang Sinovac dahil ito ang pinakamabisa sa pagkakaloob ng proteksiyon laban sa bagong coronavirus disease-19 (COVID-19).

“The situation is vastly different now. There are more vaccines, so let’s give them a menu from which they could choose the one they feel could better shield them from COVID-19,” giit ni Castelo.

Ipinaliwanag ni Castelo na mahalagang matulungan ang senior citizens na makakuha ng kanilang booster shots sa lalong madaling panahon dahil maaaring humina na ang kanilang immunity sa virus matapos ang walo hanggang siyam na buwan.

AUTHOR PROFILE