Bistek

Bistek, pasok sa Magic 12 ng senatoriables

November 4, 2021 Ian F. Fariñas 211 views

PASOK na nga sa Magic 12 ng 2022 senatoriables ang dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista.

Sa bagong survey na inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nasa 11th slot si Bistek na may 29.1 percent rating.

Kaya naman sa Facebook account ay labis-labis ang pasasalamat ng aktor-politiko sa tiwalang ngayon pa lang ay ipinagkakaloob ng publiko sa kanya.

“Nakatataba po ng puso na nakapasok uli tayo sa Magic 12 sa bagong survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc.

“Sa tulong at panalangin po ninyong lahat, sana po ay magtuluy-tuloy ito hanggang sa botohan sa Mayo!

“Sana po ay mabigyan tayo nang pagkakataong madala sa Senado at sa buong Pilipinas ang maayos at mahusay na paninilbihan na inalay natin sa ating mahal na Quezon City.

“Maraming maraming salamat po,” ayon sa FB post.

Samantala, malaki rin ang pasasalamat ni Bistek sa industriya ng show business dahil naihanda umano siya nito sa larangan ng pagsisilbi sa bayan.

Payo niya sa mga kapwa artistang nais manungkulan sa mga mamamayan, “The entertainment industry teaches you to prepare. It’s not enough that you are popular. It hurts when people say you’ve won because you are a movie star. That’s offensive. To avoid that kind of opinion, from the beginning, let’s not also offend them by being prepared.”

AUTHOR PROFILE